Sana All! Misis, Sinorpresa ang Kanyang Mister na Hindi Naka-Follow kay Ivana Alawi
Isa si Ivana Alawi sa mga pinakasikat na modelo sa showbiz industry ngayon. Kahit na 23-anyos pa lamang siya, talagang hindi na maipagkakaila na tuloy-tuloy ang pagsikat ni Ivana. Sino nga ba naman ang hindi mabibighani sa kanyang mala-anghel na itsura? Kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit marami ang nakasubaybay kay Ivana Alawi.
Sa social media pa lang, humahakot na ng milyon-milyong followers si Ivana. Sa Facebook, mahigit sa 2.2 million na ang followers niya. At dahil sa kanyang appeal, hindi na rin nakakapagtaka na karamihan sa mga followers ni Ivana ay mga kalalakihan.
Maraming misis nga ang nagbibiro na nagseselos na sila kay Ivana, dahil halos lahat ng kanilang mister ay nakasubaybay dito! Kaya naman nakaisip ng kwelang paraan ang misis na ito para sa kanyang asawa. Dahil hindi na nito pina-follow si Ivana, may surprise si misis para kay mister!
Viral ngayon sa Facebook ang post ni Lloyd Mejia. Ibinahagi niya ang sweet na surprise sa kanya ng kanyang misis na si Cristelle Canales. Habang natutulog siya, sinorpresa siya nito ng kanyang paboritong sapatos dahil sa wakas ay hindi na daw niya pina-follow si Ivana Alawi sa social media.
Para mas dama, mayroon pang short message si misis na nakasulat sa box ng brand-new na sapatos: "Dahil di mo pina follow si Ivana, may shoes ka! Wuv you," ito ang maikling ngunit kwelang message ni misis para sa kanyang asawa, na walang kamalay-malay na mayroon na pala siyang gantimpala.
Napa-sana all naman ang marami sa pakulong ito ni misis. Sa Facebook post, maraming mga mister ang nagta-tag sa kanilang mga partner sa pag-asang mabibigyan rin sila ng ganitong klaseng regalo dahil hindi nila pina-follow si Ivana. Hindi na kami magtataka kung bumaba ang followers ni Ivana sa social media matapos ito.
Naaliw ka rin ba sa sorpresang ito ni misis para sa kanyang mister? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Sana All! Misis, Sinorpresa ang Kanyang Mister na Hindi Naka-Follow kay Ivana Alawi
Reviewed by Publisher
on
January 01, 2020
Rating:

Post a Comment