PART 3: Ayon sa Psychologist, Doktor na Nagwala, Maaaring May Mental Illness



Sa tindi ng traffic sa Pinas, hindi maiiwasan na uminit ang ulo ng mga motorista. Pag hindi nakontrol ang init ng ulo, pwede itong magresulta sa road rage na maaaring humantong sa away. Ito ang nangyari sa doktor na si Tomas Joaquin Mendez, na kamakailan lang ay nag-viral sa social media matapos magwala sa driver na nakagitgitan niya.

Matindi ang sinapit ng driver na si Jim Paredes matapos niyang makasagutan si Mendez. Sa viral video, kitang-kita kung paano murahin at maliitin ni Mendez ang pagkatao ng driver, kahit na nasa harap sila ng asawa at mga anak nito. Upang makamit ang hustisya, nakipag-ugnayan si Paredes kay Raffy Tulfo.




Sa ngayon ay pinaghahanap na ng mga otoridad ang doktor, upang humarap sa show cause order mula sa LTO. Ngunit ayon sa update ni Tulfo, mukhang nagtatago na si Mendez. Sa part 3 ng kanilang report, inihayag ng host na nagsalita na ang Diliman Doctors Hospital kung saan nagta-trabao si Mendez.

Ayon sa management ng Diliman Doctors Hospital, simula nang pumutok ang issue ay nag-vacation leave ang doktor. Dahil dito, wala na silang balita tungkol dito. Sa kabilang banda, kinapanayam naman ni Raffy Tulfo ang psychologist na si Dr. Camille Garcia upang makuha ang opinyon niya tungkol sa behavior ni Mendez.




Matapos mapanood ang video, ayon kay Dr. Garcia ay may pagkakahawig ang ginawa ni Mendez sa mga taong mayroong mental disorder. Binanggit ni Dr. Garcia ang intermittent explosive disorder, isang uri ng mental disorder kung saan ang taong may kinikimkim na galit ay maaaring sumabog at mag-amok.

Ayon kay Dr. Garcia, mahalagang ipa-assess ang ganitong uri ng kalagayan, dahil maaari itong humantong sa maraming problema. Sa kabilang banda, hanggang ngayon naman ay pilit pa ring kino-contact ni Raffy Tulfo ang kampo ni Mendez upang malaman ang panig nito.



Panoorin ang part 3 ng report dito:


Nakaranas na rin ba kayo ng road rage? Paano niyo na-control ito? I-share ang inyong karanasan at opinyon sa comments section. Para sa iba pang updates, huwag kalimutang i-follow ang Daily Insights sa Facebook.
PART 3: Ayon sa Psychologist, Doktor na Nagwala, Maaaring May Mental Illness PART 3: Ayon sa Psychologist, Doktor na Nagwala, Maaaring May Mental Illness Reviewed by Publisher on December 05, 2019 Rating: 5