Matapos Magwagi ng Ginto, Nalaman ng Indonesian Athlete na Pumanaw na ang Kanyang Ama


Nagtipon-tipon ang maraming atleta mula sa iba't-ibang panig ng mundo para sa 30th Southeast Asian Games dito sa Pilipinas. Lahat ng atleta ay may pangarap na mag-uwi ng karangalan hindi lamang para sa kanilang bansa, kundi para sa kanilang pamilya. Isang Indonesian athlete ang nagkamit ng gold medal, ngunit kapalit naman nito ay isang mapait na balita.

Si Edgar Xavier Marvelo ay isa sa mga atleta na lumipad pa mula sa Indonesia upang sumali sa SEA Games. Noong December 3, itinanghal na kampyon si Marvelo matapos mag-uwi ng gintong medalya sa larangan ng men's Gunshu and Daoshu events. Ngunit hindi niya inaasahan na mayroon palang masamang balita mula sa kanyang pamilya.



Ayon sa SEA Games Facebook post, sa gitna ng kanyang laban ay hindi inaasahang binawian ng buhay ang tatay ni Marvelo.

Ipinaalam ito ng kanyang team kay Marvelo matapos ang laro, kung saan nagkamit siya ng gintong medalya. Ayon sa report, labis ang dalamhati ng golden medalist sa pagpanaw ng ama.

"People in his team were in tears after his victory and those were not just tears of joy. Edgar's father died while he was competing in the event and he was only informed about it after winning the gold, bringing him to tears," ito ang pahayag ng SEA Games sa kanilang official Facebook account.



Sa kabila ng nakakalungkot na balitang ito, nagawa pa rin ni Marvelo na bumangon. Sa Instagram, nagbahagi siya ng litrato matapos ang kompetisyon. Habang hawak niya ang Indonesian flag ay proud na proud niya ring ipinakita ang kanyang gold medals. Ayon kay Marvelo, iniaalay niya ang kanyang tagumpay sa kanyang yumaong ama.

Sa kabilang banda, maraming netizens rin ang nagpahatid ng kanilang pakikiramay sa Indonesian athlete at sa pamilya nito. Ang social media ay inulan ng dasal at suporta sa atleta, lalo pa't hindi madali ang pinagdadaanan niya ngayon.


Naantig rin ba kayo sa nakakalungkot na kwento ng Indonesian athlete na ito? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.

SOURCES: Sunstar | Coconuts.co

Matapos Magwagi ng Ginto, Nalaman ng Indonesian Athlete na Pumanaw na ang Kanyang Ama Matapos Magwagi ng Ginto, Nalaman ng Indonesian Athlete na Pumanaw na ang Kanyang Ama Reviewed by Publisher on December 06, 2019 Rating: 5