Habang Nasa Barko si Kuya, si Misis Naman Nagpabuntis sa Iba!
Para sa isang lalaki, wala nang mas sasakit pa pag nalaman mo na pinagtataksilan ka ng iyong karelasyon. Ito ang sinapit ng isang seaman na si Jojit Peconada, na labis ang pagdadalamhati matapos malaman ang panloloko ng asawa niya. Dahil habang nasa barko siya, si misis naman ay nasa piling ng iba!
Nagtatrabaho bilang seaman si ang 43-anyos na mister upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Ngunit hindi niya inaasahan ang isusukli ng asawa niyang si Florabel. Imbes na suklian ng pagmamahal at katapatan ang mga sakripisyo ni Jojit, nagawa pa ng 29-anyos niyang misis ang mangaliwa.
Ngunit hindi lang diyan nagtatapos ang kataksilan ni Florabel. Habang wala ang kanyang asawa ay nasa kandungan siya ni Raymar Mayor, isang 25-anyos na sundalo sa Caloocan City. Ang masaklap pa dito, nagbunga ang kataksilan ng dalawa at nabuntis si Florabel!
Nalaman na lamang ito ni Jojit nang sabihin sa kanya ng kanyang 6-years-old na anak. Dahil dito, dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang sawing mister. Ayon sa kanya, June 2018 siya nang sumampa sa barko.
Ngunit pagbalik niya ng October 2019, nagulat na lamang siya nang mabalitaang malapit na palang manganak ang kanyang asawa. Kaya naman labis labis ang pagdadalamhati ni Jojit dahil nasira ang pamilya nila.
Bukod pa dito, buo na rin daw ang desisyon ni Florabel na tapusin ang ugnayan nila. Kahit na hindi daw ito umamin ng direkta, nakumpirma na rin ito nang manganak si Florabel. Nagbanta rin daw ito kay Jojit na makikipaghiwalay na at maghahanap na ng bagong asawa.
Sa kabilang banda, kinausap rin ni Tulfo si Major Aries Galang ng PAF upang ma-aksyunan ang sundalo. Ayon kay Major Galang, hindi nila kino-kondena ang ginawang ito ni Mayor, na isa pa namang second-class officer. Bukod pa dito, balak rin sampahan ni Jojit ng criminal case ang kanyang asawa.
Panoorin ang buong pangyayari sa episode na ito:
Sa iyong palagay, may pag-asawa pa kayang maayos ang relasyon ni Florabel at Jojit? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Habang Nasa Barko si Kuya, si Misis Naman Nagpabuntis sa Iba!
Reviewed by Publisher
on
December 07, 2019
Rating:

Post a Comment