Napaiyak na Lamang si Nanay nang Malaman ang Mapait na Sinapit ng Anak na OFW


Napakalaki ng sakripisyong ginagawa ng mga OFW para sa kanilang pamilya. Kahit na mahirap, mas pinili pa nilang magpakalayo-layo sa ibang bansa para lamang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pangalan. Ngunit sa kasamaang palad, hindi lahat ng mga OFW ay nakakahanap ng magandang buhay sa dayuhang bansa.

Isa sa kanila ay si Mary Jane Aquino, na lumipad patungong Middle East para maghanapbuhay. Nagta-trabaho siya bilang isang domestic helper sa Riyadh. Ngunit hindi pa siya nagtatagal ay napansin ni Mary Jane na lagi ng delayed ang sahod niya. Dahil dito, pinaalalahanan niya ang kanyang amo.


Ngunit umabot na ng tatlong buwan at tila wala pa ring balak ang amo niya na pasahurin siya. Nang kinausap niya ito, nawala ang amo ni Mary Jane na humantong sa pananakit. Sa isang video, ibinahagi ni Mary Jane ang mga pasakit na dinanas niya sa kanyang mga amo. Ayon kay Mary Jane, sinisipa at sinusuntok siya nito.

Natatakot na baka mas lumala pa ang mga pananakit sa kanya, agad agad namang ginamit ni Mary Jane ang social media para humingi ng tulong. Nakarating sa sikat na host na si Raffy Tulfo ang reklamo ni Mary Jane, kaya naman agad rin silang umaksyon upang mapauwi na ito ng Pilipinas.



Nag-aalala na rin ang pamilya ng OFW sa kanyang kalagayan. Upang sunduin ang kanyang anak, lumuwas pa mula probinsya ang nanay ni Mary Jane na si Guillerma Aquino.

Ayon kay Nanay Guillerma, nais niya lang na makauwi nang ligtas si Mary Jane, dahil may naghihintay pa pala dito na mga anak niya sa probinsya.



Gumawa naman si Raffy Tulfo ng paraan para pagtagpuin ang mag-ina na matagal nawalay sa isa't isa. Siguradong maiiyak kayo kapag napanood ninyo ang muling pagtatagpo ni Nanay Guillerma at ni Mary Jane! Panoorin ang kanilang nakakaantig na reunion dito:


Naantig ka rin ba sa reunion ng nanay na ito at ng OFW niyang anak? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Napaiyak na Lamang si Nanay nang Malaman ang Mapait na Sinapit ng Anak na OFW Napaiyak na Lamang si Nanay nang Malaman ang Mapait na Sinapit ng Anak na OFW Reviewed by Publisher on December 08, 2019 Rating: 5