Louise delos Reyes, Umaming Nakikipag-Live In na sa Non-Showbiz Boyfriend


Dito sa Pilipinas, mas naniniwala ang mga tao sa kasal muna bago live-in. Karamihan sa ating mga Pilipino ay mas pipiliing makasal muna sa ating karelasyon bago tumira sa iisang bubong. Ngunit dahil nagbabago na ang panahon, unti-unti na ring nababago ang tradisyon na ito. Isa sa mga tumataliwas dito ay ang aktres na si Louise de los Reyes.

Sa isang interview, ibinahagi ni Louise ang set-up nila ng kanyang non-showbiz boyfriend. Ayon sa 27-anyos na aktres, sa ngayon ay nakatira na sila sa iisang bubong ng kanyang karelasyon. Nang tanungin si Louise, ibinahagi niya sa mga reporters na architect at isang bar-owner ang kanyang boyfriend.


Dahil dito, stable na sila parehas at kaya nang magsama sa iisang bubong. Sa katunayan, mahigit isang taon na rin daw silang naglilive-in ng kanyang karelasyon. So far, practical naman daw ang desisyon na ito dahil wala na ring magulang si Louise at lahat ng kanyang kapatid ay may kanya-kanya ng pamilya.

Bukod pa dito, aminado rin si Louise na sa ganitong paraan ay mas nakilala nila nang lubusan ang isa't-isa. At sinusunod rin daw ng aktres ang payo ng kanyang mga magulang na 'kasal muna bago anak.' Gayunpaman, hindi daw madali ang mag live-in dahil na rin sa mga kaakibat nitong responsibilidad.



"Kapag nasa tamang edad ka na at alam mo yung desisyon mo, hindi ka yung basta, 'I want to be with my boyfriend, we're gonna live-in, mahal namin ang isa't isa.' No. Because there's a lot of responsibilities," ito ang pahayag ni Louise nang tanungin siya kung naging madali ba ang desisyon nila na mag live-in.

Sa kabilang banda, marami namang fans ang nag-react sa rebelasyon na ito ni Louise. Karamihan ay natutuwa at nakahanap na si Louise ng kanyang forever, ngunit may mangilan-ngilan naman na hindi pumapabor sa ginawa nila na paglilive-in bago ikasal.



Kung ikaw ang papipiliin, mas gugustuhin mo rin bang makipag-live in muna sa iyong karelasyon? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates sa iyong favorite celebrities, huwag kalimutang i-follow ang Daily Insights sa Facebook.
Louise delos Reyes, Umaming Nakikipag-Live In na sa Non-Showbiz Boyfriend Louise delos Reyes, Umaming Nakikipag-Live In na sa Non-Showbiz Boyfriend Reviewed by Publisher on December 07, 2019 Rating: 5