Mommy Carmen, Naiyak sa Regalo sa Kanya ni Anne at Jasmin
Utang natin sa ating nanay ang ating buhay. Kaya naman sa ating paglaki, nararapat lang na ipakita natin sa kanila ang ating pagmamahal at pagrespeto. Ganito ang ginagawa ngayon ng magkapatid na si Anne at Jasmin Curtis, na aminadong malaki ang utang na loob sa kanilang nanay na si Mommy Carmen.
Si Carmencita Ojales, o mas kilala bilang Mommy Carmen, ay ang nanay ng sikat na celebrities na sina Anne at Jasmin Curtis. Noong una pa lang ay lagi nang nakasuporta si Mommy Carmen sa kanyang mga anak, kaya naman ngayong sikat na sila ay hindi nila nakalimutan ang ginawang sakripsiyo ng kanilang nanay.
Kamakailan lang ay nagdiwang ng kanyang kaarawan si Mommy Carmen. Upang pasayahin siya sa araw na ito, nagkasundo ang magkakapatid na si Anne, Jasmine, at Thomas na sorpresahin ang kanilang nanay. Halos mapaluha si Mommy Carmen matapos makita ang mamahaling Louis Vuitton bag na iniregalo sa kanya!
Ngunit wala pa ito sa totoong regalo ni Anne at ng kanyang asawa na si Erwan. Sa Instagram, labis labis ang pasasalamat ni Mommy Carmen sa kanyang anak matapos malaman na magkakaroon na siya ng apo. Emosyonal si Mommy Carmen at halatang excited na rin na ma-meet ang baby ni Anne.
Sa Instagram, nagpahayag din ng nakakaantig na mensahe si Anne para sa kanyang Mommy Carmen:
"Hope you liked my birthday gift - an apo. I pray that he or she gets the crazy kulit genes you gave to me too.
I’ve been blessed to have felt and seen the kind of love you have given to us, your children. And It brings me so much happiness knowing that my little one will get to experience that same kind of love," ito ang emosyonal na pahayag ni Anne sa birthday ng kanyang ina.
Excited na rin ba kayong makita ang baby ni Anne at Erwan? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, huwag kalimutang i-follow ang Daily Insights sa Facebook.
Mommy Carmen, Naiyak sa Regalo sa Kanya ni Anne at Jasmin
Reviewed by Publisher
on
December 06, 2019
Rating:

Post a Comment