McCoy de Leon, Na-Friendzone ni Miles Ocampo
Isa si Miles Ocampo sa mga pinakasikat at pinaka-hinahangaang young stars sa Kapamilya network. Hindi maitatanggi ang taglay na kagandahan at talento ni Miles, kaya naman marami ang nabibighani sa "Goin' Bulilit" star. Isa na sa mga ito ay ang Hashtag member na si McCoy de Leon, na napabalitang na-basted daw ni Miles.
Kamakailan lamang ay umattend ng press conference si Miles para sa kanyang Metro Manila Film Festival entry na "Write About Love." Sa interview, hindi mapigilang mapunta sa love life ni Miles ang usapan. May isang nagtanong tungkol sa current status ng friendship nila ni McCoy de Leon.
"Simula pa lang kasi nagsabi na ako sa kaniya kung anong desisyon ko. Hindi naman po basted na agad, kasi okay naman po kami na friends. Kasi kung babastedin mo, puputulin mo yung friendship niyo di ba?" Ito ang paglilinaw ng "Goin' Bulilit" star sa totoong namamagitan sa kanila ni McCoy.
Naging maugong ang pag-uugnay sa dalawa matapos ang interview ni McCoy sa "Tonight With Boy Abunda." Marami ang kinilig matapos aminin ng Hashtag member na ang hiling niyang sunod na maging girlfriend ay si Miles Ocampo. Ngunit iginigiit naman ng dalaga na hanggang friends lang talaga sila.
Bukod pa dito, aminado rin si Miles na kasalukuyan siyang na-eenjoy sa kanyang NBSB status o No Boyfriend Since Birth. Ayon sa Kapamilya actress, para sa kanya ay hindi naman big deal na wala siyang love interest, dahil mas mahilig daw talaga siyang maglaan ng oras para sa sarili niya:
"Hindi. Hindi ko po alam bakit big deal 'yun sa ibang tao. Pero for me kasi as of the moment, na-e-enjoy ko po sarili ko. Mahilig po akong mag me-time talaga, yung kakain ako mag-isa. Alam niyo bakit gano’n ang mga tao no? Kapag walang jowa, tomboy. Kalerki," ito ang natatawang pahayag ni Miles.
Sa inyong palagay, bagay kaya ang tambalan ni Miles Ocampo at McCoy de Leon? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
McCoy de Leon, Na-Friendzone ni Miles Ocampo
Reviewed by Publisher
on
December 06, 2019
Rating:


Post a Comment