107-Anyos na Lola, Ibinuking na Pagiging Single ang Nagsalba sa Buhay Niya
Talaga nga namang isang blessing ang mabuhay ng matagal. Karamihan sa mga tao ay hindi pinalad na mabigyan ng mahabang buhay, ngunit meron rin namang iilan na swinerte. Isa na sa kanila ay si Lola Louise na kamakailan lang ay nag-celebrate ng kanyang ika-107 na kaarawan. Ano kaya ang sikreto niya sa mahabang pamumuhay?
Nabalita worldwide si Lola Louise dahil sa kanyang nakakamanghang edad. Ayon sa CBS News, ang tunay niyang pangalan ay Louise Signore, at ipinanganak siya sa Manhattan, New York noong 1912. Ngayon naman ay kasalukuyan siyang naninirahan sa JASA Bartow Senior Center.
Kahit na sa Manhattan siya ipinanganak, sa Bronx naman lumaki at nagkaisip si Lola Louise. Ayon sa kanya, dito siya nanirahan simula ng 14-anyos pa lamang siya. Dati pa man daw ay talagang aktibo na si Lola Louise, kung kaya naman maganda at malusog ang kanyang pangangatawan.
Sa isang interview, ibinuking ni Lola Louise ang kanyang sikreto sa kanyang mahabang edad. Ayon sa kanya, hindi siya masyadong stressed dahil hanggang ngayon ay single pa rin siya!
"Sa palagay ko ang sikreto ng 107 kong edad ay: ang hindi ko pagpapakasal. Sa palagay ko ito ang sikreto. Nasabi pa ng aking kapatid kung minsan na 'sana hindi na lang ako nagpakasal,'" bukod pa dito, iginiit rin ni Lola Louise na malaki ang naitutulong ng pagiging aktibo niya sa mga ehersisyo at iba pang gawain.
Pati mga staff at kasamahan niya sa retirement home ay namamangha sa positive attitude ni Lola Louise. Sa isang interview, pinuri siya ng mismong Senior Director ng kanilang retirement home:
"Sa palagay ko, ang koneksyon niya sa kanyang mga kapitbahay sa komunidad at pati na rin ang kanyang mga kaibigan dito sa senior center ay nakakatulong upang mapanatili niya ang kanyang sigla," ito ang pahayag ni Aisha Parillon, senior director ng JASA Bartow Senior Center nang tanungin siya tungkol sa kalagayan ni Lola Louise.
May kakilala rin ba kayo na may sikreto sa kaniyang mahabang pamumuhay? I-share ang inyong karanasan sa comments section! Para sa iba pang latest updates, huwag kalimutang i-follow ang Daily Insights sa Facebook.
107-Anyos na Lola, Ibinuking na Pagiging Single ang Nagsalba sa Buhay Niya
Reviewed by Publisher
on
December 06, 2019
Rating:



Post a Comment