MJ Lastimosa, Pinagtanggol si Gazini Ganados Mula sa mga Kritiko
Bigo ang Pilipinas na makamit ang inaasam-asam na back to back win sa Miss Universe 2019. Ngayon taon ay hindi pinalad makasama sa top 10 ang pambato ng Pilipinas na si Gazini Ganados. Sa buong kompetisyon ay maganda ang laban na ipinakita ni Gazini laban sa 89 na kandidata, kaya naman marami ang nadismaya nang hindi niya naiuwi ang korona.
Nakasali pa sa top 20 si Gazini, ngunit hindi na tinawag ang kanyang pangalan sa top 10. Dahil dito, hindi mapigilan ng ibang fans ang madismaya. Karamihan sa mga kritiko sa social media ay pinuna ang kilos ni Gazini sa pageant. Ayon sa iba, 'malamya' gumalaw at diumano'y hindi maganda ang sagot ni Gazini sa question and answer portion.
Sa kabila ng mga kritiko, maraming tao ang nakasuporta pa rin sa beauty queen. Ayon sa kanila, ang pagsali pa lang sa top 20 ay isang malaking karangalan na. Isa sa mga supporters ni Gazini ay ang dati ring Miss Universe Philippines na si Mary Jean Lastimosa. Si MJ ay ang pambato ng Pinas sa Miss Universe 2014 na nakapasok rin sa top 10.
Sa Instagram, dinepensahan ng dating beauty queen si Gazini mula sa mga kritiko. Ayon kay MJ, imbes na magsisihan ay dapat na maging proud ang mga Pinoy dahil isa na namang Pinay ang sumabak at nag-iwan ng legacy sa stage ng Miss Universe.
"You delivered! You gave them one heck of a fight, and we all saw that. We appreciate you. You looked so beautiful tonight. And we are so proud of you. As you said, "no one should be ever left behind" we are one! Padayon rata sa pagsuporta sa Pilipinas," ito ang proud na proud na caption ni MJ sa Instagram.
Sa kabilang banda, nag-iwan din ng mensahe si Gazini para sa kanyang mga supporters. Ayon sa 23-anyos na beauty queen, na-appreciate niya ang suporta ng kanyang mga fans sa laban, at sana ay naging proud pa rin sila sa kanya sa kabila ng kanyang pagkatalo. Sa ngayon ay balak ni Gazini na manatili sa US kasama ang kanyang pamilya para doon na mag-pasko.
Nadismaya ka rin ba sa pagkatalo sa Miss Universe ni Gazini Ganados? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
MJ Lastimosa, Pinagtanggol si Gazini Ganados Mula sa mga Kritiko
Reviewed by Publisher
on
December 11, 2019
Rating:





Post a Comment