Estudyanteng Walang Sapatos, Nanalo ng Tatlong Medalya sa Running Competition


Ayon nga sa kasabihan, hindi hadlang ang kahirapan para maabot ang ating pangarap. Sa katunayan, kung sino pa ang mga nakaranas ng hirap at kagipitan, sila pa ang mas pursigido na magkamit ng tagumpay. Isa sa mga patunay dito ay ang estudyanteng ito mula sa Iloilo na ngayon ay hinahangaan ng mga netizens sa social media.

Agaw-pansin ang mag-aaral na ito na sumali sa patimpalak sa kanilang paaralan. Nakilahok si Rhea Bulos sa Iloilo Schools Sports Council Meet bilang isang atleta. Ngunit kumpleto man sa damit na uniporme, kapansin-pansin naman na walang suot na sapatos si Rhea, sa halip ay nakayapak lamang siyang sumali sa palaro!



Sa isang picture na kumakalat ngayon sa social media, makikita ang dalagitang estudyante na nakaupo matapos ang patimpalak. Agaw pansin ang kanyang ginagamit na 'sapatos,' na gawa lamang sa tape na ibinalot sa paa niya. Ngunit sa kabila ng kakulangang ito, nagawa pa ring magtagumpay ni Rhea.

Sumali siya sa elementary girls level 400m dash, 800m run, at 1500m run. Dahil sa kanyang sipag at tyaga, lahat ng category na ito ay naipanalo ni Rhea! Nagkamit ng tatlong medalya si Rhea hindi lamang para sa kanyang paaralan, kundi pati na rin sa kanyang pamilya.


Dahil sa kanyang nakaka-inspire na pagkapanalo, mabilis na nag-viral ang kwento ni Rhea sa social media. Maraming netizens ang naantig sa kwento niya, at marami rin ang gustong mag-abot ng tulong sa masipag na atletang ito. Narito ang comment ng isang netizen, na nananawagan sa Nike upang mapansin ang kwento ni Rhea:

"The dedication of this girl and still wearing her self made “Nike” shoes. I hope this inspires you Nike to support the rising athletes of this generation that will give hope for the future generations. She's a one tough girl and Philippines was truly proud having her."

Narito pa ang ibang mga comments ng mga netizens na talaga namang namangha sa kwentong ito ni Rhea:



Na-amaze ka rin ba sa nakakamanghang pagkapanalo ng batang atletang ito? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Estudyanteng Walang Sapatos, Nanalo ng Tatlong Medalya sa Running Competition Estudyanteng Walang Sapatos, Nanalo ng Tatlong Medalya sa Running Competition Reviewed by Publisher on December 11, 2019 Rating: 5