Balikan ang Makulay na Career ni Mico Palanca at Relasyon nila ni Bea Alonzo


Marami ang nagdalamhati sa pagpanaw ng aktor na si Mico Palanca. Sa edad na 41-anyos, tuluyan nang namaalam ang dating Star magic na aktor matapos diumano'y tapusin ang kanyang buhay. Natagpuan na lamang na walang buhay si Mico matapos tumalon mula sa rooftop ng mall sa San Juan City. Ayon sa mga sources, problemado sa kanyang buhay-pag ibig ang dating aktor.

Upang gunitain ang talentadong artista na ito, balikan natin ang kanyang makulay na career sa showbiz. Taong 2000 nang pasukin ni Mico ang mundo ng showbiz. Noon pa man ay nasa dugo na nila ang pagpasok sa showbiz, mula sa kanyang lolo na si Armando Goyena at ang nakakatandang kapatid ni Mico na si Bernard Palanca.



Sa kasagsagan ng kanyang karera sa showbiz, inihanay si Mico sa mga sikat na matinee idols katulad na lamang ni Rico Yan. Mas lalo pa siyang sumikat sa pagganap niya ng iconic role sa primetime drama na "Kay Tagal Kang Hinintay" noong 2003.

Gumanap rin siya sa "It Might be You," kung saan naging leading man siya ni Bea Alonzo. Dito rin sumibol ang pag-iibigan nila ng aktres, na nagtagal ng mahigit limang taon.

Ang love team ni Bea at Mico ay isa sa mga sikat na love teams noong panahon, kaya naman marami ang nalungkot nang mapabalitang naghiwalay ang dalawa. Ayon kay Bea, personality differences ang nag-ugat ng hiwalayan nila.



"Like, iba siya towards work, iba ako towards work. Ako, passion ko 'to… So hindi niya ko naiintindihan. Hindi talaga kami magkaintindihan. He was so much older than I was, so iba 'yung priorities niya."

Ito ang naging pahayag ni Bea Alonzo sa kanyang interview noong July 2013, habang inaalala ang naging relasyon nila ni Mico.

Ayon sa mga report, diumano'y dumaranas sa depression ang dating aktor kaugnay ng kanyang love life. Sa kabilang banda, humingi naman ng privacy ang pamilya ni Mico mula sa publiko. Nagpaabot rin ng kanilang pakikiramay ang iba't-ibang artista at mga fans sa pagpanaw ng aktor.


Nalungkot rin ba kayo sa maagang pagpanaw ng aktor na si Mico Palanca? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Balikan ang Makulay na Career ni Mico Palanca at Relasyon nila ni Bea Alonzo Balikan ang Makulay na Career ni Mico Palanca at Relasyon nila ni Bea Alonzo Reviewed by Publisher on December 11, 2019 Rating: 5