"Bold star lang daw ako"- Sunshine Cruz, Ibinahagi ang Trato sa Kanya ng Ex-Husband na si Cesar Montano


Taong 2013 nang ma-anulled ang kasal ni Cesar Montano at Sunshine Cruz. Hindi maipaliwanag ng dating aktres ang kanyang tuwa dahil matagal na niyang hinihintay ang araw na ito. Dahil simula daw ng ikasal sila noong taong 2000, puro pasakit na ang naranasan ng 42-anyos na aktres sa kamay ng kanyang asawa.

Sa isang interview, ibinahagi ni Sunshine ang mga pinagdaanan niya sa kanilang "dark and chaotic" na pagsasama. Ayon kay Sunshine, bago pa man sila kinasal ay napansin na niya ang hindi magandang pakikitungo sa kanya ni Cesar nang mag-away sila.


Muntik na daw hindi matuloy ang kasal noon, pero matapos siyang suyuin ni Cesar ay naging maayos ang lahat. Ikinasal ang celebrity couple noong September 14, 2000. Hindi akalain ni Sunshine na ito na pala ang simula ng magulong pagsasama nila na magtatapos sa annulment.

Ayon sa aktres, hindi nagtagal at mas lalo niyang nakilala ang tunay na katauhan ni Cesar na mainitin ang ulo. Sa una ay pilit niya pa itong inintindi, ngunit nag-resulta lang din ito sa kanilang madalas na pag-aaway. Ilang beses na rin daw umalis si Sunshine at pumunta sa kanyang mga magulang dahil dito.

"Parang, kasi, sinasabi niya bold star lang naman ako, wala nang kukuha sa 'kin... Kung before po makikita niyo ako, di ba lagi lang akong nakatungo? Parang hiyang-hiya ako sa sarili ko, kasi sarili kong asawa ganun yung tingin sa 'kin--what more yung ibang tao? Yun po iniisip ko."




Muntik na rin daw tuluyang masira ang pagsasama nila nang malaman ni Sunshine na mayroong ibang babae si Cesar. Ayon sa aktres, anak niya daw ang nakatuklas na mayroong relasyon si Cesar at ang kanyang dating movie co-star na si Krista Miller. Ito ang nag-udyok kay Sunshine upang tuluyan ng iwan ang kanyang asawa.

Sa ngayon ay unti-unti nang naka-move on ang aktres mula sa kanyang madilim na karanasan. Nang maghiwalay sila ni Cesar, nanatili kay Sunshine ang kanyang tatlong anak na dalaga na si Angeline, Samantha, at Cheska. Masaya rin siya sa piling ng kanyang bagong boyfriend na si Macky Mathay.



Nakaranas na rin ba kayong mapunta sa ganitong klase ng relasyon? I-share ang inyong karanasan at opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
"Bold star lang daw ako"- Sunshine Cruz, Ibinahagi ang Trato sa Kanya ng Ex-Husband na si Cesar Montano "Bold star lang daw ako"- Sunshine Cruz, Ibinahagi ang Trato sa Kanya ng Ex-Husband na si Cesar Montano Reviewed by Publisher on December 06, 2019 Rating: 5