Araw-Gabi Nagtrabaho ang Estudyanteng ito Para Makapunta ang Magulang Niya sa Kanyang Graduation


Para sa isang estudyante, wala na sigurong mas sasaya pa sa kanilang graduation day. Sa espesyal na araw na ito, makakamit na nila ang tagumpay na kapalit ng kanilang paghihirap at pagsisikap. Ngunit ang araw na ito ay hindi lamang para sa mga estudyante, kundi para din sa kanilang pamilya.

Kaya naman sa kanyang graduation day, sinigurado ng estudyanteng ito na makakasama niya ang kanyang pamilya. Alam ni Mohammad Afiq Ismail na hindi kumpleto ang kanyang graduation nang hindi kasama ang mga mahal niya sa buhay, kaya naman gumawa siya ng paraan para makasama sila sa espesyal na okasyon na ito.


Tubong Malaysia si Ismail, ngunit upang makapagtapos ng kolehiyo ay pinili niyang lumipad sa United Kingdom. Dito ay gumugol siya ng tatlong tao sa pag-aaral ng Account and Finance sa University of Essex. Sa wakas, matapos ang mahabang paghihintay at pagsisikap ay makakamit na ni Ismail ang kanyang diploma.

Ngunit ang pamilya niya sa Malaysia ay walang kakayahang saksihan ang kanyang graduation, kaya naman si Ismail na ang nag-isip ng paraan para makabisita sila. Hindi basta-basta ang presyo ng ticket mula Malaysia papuntang UK, kaya naman pinag-ipunin talaga ni Ismail ang budget para sa flight ng kanyang mga magulang.




Upang makamit ito, pinagsabay niya ang kanyang pag-aaral at trabaho. Nagtrabaho siya bilang isang cleaner upang makapag-ipon ng sapat na pera para sa kanyang mga magulang. Ito ang kanyang pahayag sa Facebook:

"My mother and father have never been on an airplane. I wanted to pay fro their tickets as a gift for everything they've done for me, for helping me finish my studies." Dahil sa kanyang kasipagan, natupad naman ang pangarap ni Ismail na masaksihan ng mga magulang niya ang kanyang graduation.

Walang mapaglagyan ng tuwa ang mga magulang niya nang masaksikan nila ang pagtatapos ng anak nila, na pinarangalan rin ng First Class Honors.



Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Ismail, sinong mahalagang tao ang nais mong makasama sa iyong tagumpay? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, huwa kalimutang i-follow ang Daily Insights sa Facebook.
Araw-Gabi Nagtrabaho ang Estudyanteng ito Para Makapunta ang Magulang Niya sa Kanyang Graduation Araw-Gabi Nagtrabaho ang Estudyanteng ito Para Makapunta ang Magulang Niya sa Kanyang Graduation Reviewed by Publisher on December 17, 2019 Rating: 5