Matapos ang College Graduation, Pacquiao, Balak Mag-Masteral sa Harvard


Sa pagdaan ng mga araw, nalalapit na naman ang inaabangan na graduation ng libo-libong estudyante sa iba't-ibang panig ng mundo. Ngayong taon, isa sa mga tutungtong sa stage upang makamit ang kanyang diploma ay walang iba kundi ang "Pambansang Kamao" na si Senator Manny Pacquiao. Matapos ang matagal na paghihintay, sa wakas ay magtatapos na si Manny sa kolehiyo!

Ang balitang ito ay masayang ibinahagi sa social media ni Sherrie Ann Torres. Sa Twitter ay nagbahagi siya ng picture kung saan makikita ang listahan ng mga graduating students sa University of Makati. Kasama sa listahan ang pangalan ni Senator Manny Pacquiao, na nakatakdang magtapos sa December 11.



Magkakamit ng Bachelor's Degree ang senador sa kursong Political Science. Matatandaang Setyember ng 2019 nang ianunsyo ni Pacquiao ang kanyang pagbabalik paaralan. At ngayon, saktong-sakto pa sa kapaskuhan ang graduation ni Manny! Talagang isang magandang pamasko ito para sa kanyang pamilya.

Ngunit hindi rin naging basta-basta ang pag-aaral ni Manny. Matatandaang nag-enroll siya noong 2008, ngunit dahil sa kanyang busy schedule, hindi naging tuloy-tuloy ang pag-aaral ng People's Champ. Gayunpaman, sa kabila ng kanyang mga pinagkakaabalahan ay nagawa pa rin ni Manny na magpursigi.



Sa isang interview sa UNTV, ibinahagi ni Manny ang kanyang technique upang mas makapag-focus sa kanyang pag-aaral ng Local Goverment Administration. Upang mas matutukan niya ang kanyang pag-aaral, ibinahagi ni Manny na one-on-one session ang kanyang mga klase kasama ang kanyang mga professors.

Ngayon makakamit niya na ang kanyang Bachelor's diploma, ano na kaya ang susunod para sa ating Pambansang Kamao? Ayon kay Manny, hindi pa dito nagtatapos ang kanyang pangarap para sa kanyang edukasyon. Sa ngayon ay balak niyang kumuha ng masteral degree sa Ivy League school na Harvard University.


Namangha ka rin ba sa tagumpay na ito ni Manny Pacquiao? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang updates, i-follow ang Daily Insights sa Facebook.
Matapos ang College Graduation, Pacquiao, Balak Mag-Masteral sa Harvard Matapos ang College Graduation, Pacquiao, Balak Mag-Masteral sa Harvard Reviewed by Publisher on December 10, 2019 Rating: 5