Silipin ang mga Bonggang Luxury Vans ng Celebrities na Milyon ang Halaga
Hindi madali ang trabaho ng mga artista. Kadalasan ay laging hectic at busy ang schedule nila at kailangan magpalipat-lipat ng lugar tuwing taping. Dahil dito, mahalaga na magkaroon sila ng sariling sasakyan. Ngunit dahil sa traffic at hassle ng byahe sa Pinas, hindi lang basta-basta sasakyan ang kailangan ng mga celebrities!
Sa panahon ngayon ay mas dumarami na ang celebrities na nag-iinvest sa kanilang luxury vans. Magandang investment naman ito, dahil sa comfort na hatid nito. Silipin ang loob ng kanilang magarang vans dito:
1. Kylie Padilla
2. Kim Chiu
Pink-lover si Chinita Princess, kaya naman pati sa kanyang van ay nag-request siya ng may touch of pink. Very satisfied si Kim sa kinalabasan, at siguradong mas magiging komportable na ang mga byahe niya ngayon.
3. Gabbi Garcia
Hindi rin nagpahuli sa trend na ito ang aktres na si Gabbi Garcia. Nagmistulang mini home theater ang van ni Gabbi na may maliit na falt screen TV para ma-entertain siya habang nasa biyahe.
4. Yassi Pressman
Very modern naman ang napiling theme ni Yassi para sa kanyang luxury van. Ayon sa aktres, isa sa pinakanagustuhan niya ay ang custom chair, kung saan pwede siyang mag-relax kahit pa stuck sa traffic. Mukhang happy talaga si Yassi sa kanyang luxury mobile home!
5. Donny Pangilinan
Dahil nagustuhan ng Myx VJ ang kanyang unang luxury van, pina-customized niya ulit ang kanyang panibagong sasakyan! Nagmistulang mini-bar ang van ni Donny dahil sa ambient lighting nito at very chill na atmosphere.
Nais niyo rin bang masakyan ang mga luxury mobile homes na ito ng mga celebrities? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Silipin ang mga Bonggang Luxury Vans ng Celebrities na Milyon ang Halaga
Reviewed by Publisher
on
December 10, 2019
Rating:

Post a Comment