Matapos ang Breakup kay Jovit Baldivino, Shara Chavez, Ang Laki na ng Pinagbago!
Naaalala niyo pa ba si Shara Chavez? Siya ang dating kinakasama ng "Pilipinas Got Talent" singer na si Jovit Baldivino. Biniyayaan sila ng isang anak, ngunit sa kasamaang palad ay hindi nagtagal ang relasyon ng dalawa. Taong 2017 nang mapabalita ang hiwalayan ni Shara at ng singer dahil sa diumano'y infidelity ni Jovit.
Ayon kay Shara, pambabae ang naging ugat ng hiwalayan nila. Kahit na mayroon na silang tatlong taong gulang na anak, nagawa pa umano ni Jovit na mag-entertain ng ibang babae. Masakit man, pinilit na lang niyang tapusin ang relasyon nila upang hindi na humantong pa sa mas malalang sitwasyon.
"Bilang babae ay nasaktan po talaga ako na nagbigay siya ng panahon at effort na dalawin iyong isang babae while kami noong baby ay naghihintay lang sa bahay," ito ang pahayag ni Shara sa kanyang interview sa "Tonight With Boy Abunda."
Ngunit imbes na magmukmok, ginamit ni Shara na inspirasyon ang nangyari sa kanya. Simula nang maghiwalay sila ng singer, mas nag-focus si Shara sa kanyang sarili at sa kanyang baby. At ibang klaseng glow-up ang nangyari kay Shara, dahil di hamak na mas gumanda siya ngayon!
Sa Instagram, maraming fans rin ang nakapansin sa laki ng ipinagbago ni Shara Chavez. Umugong ang usap-usapan na baka sumailalim ito sa cosmetic surgery, ngunit alam naman ng karamihan na dati pa lamang ay natural na ang ganda ni Shara. Ayon sa iba, nagiging kahawig niya ang Kapamilya aktres na si Kathryn Bernardo.
Matapos ang kanilang break-up ni Jovit, mukhang mayroon namang kapalit na blessings ito. Sunod sunod na blessings ang dumating sa buhay ni Shara, dahil naparami rin ang mga endorsements niya at nakapagpatayo siya ng sarili niyang business na Glutathione lounge.
Mukhang naka-move on na nga si Shara sa mapait na nangyari sa kanila ng kanyang ex-live in partner. Sa kabila ng lahat, pinatunayan niya na kaya niyang bumangon. Tunay ngang role model si Shara ng isang strong, independent woman!
Ano ang masasabi mo sa malaking transformation ni Shara Chavez? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Matapos ang Breakup kay Jovit Baldivino, Shara Chavez, Ang Laki na ng Pinagbago!
Reviewed by Publisher
on
December 18, 2019
Rating:

Post a Comment