Jolo Revilla, Emosyonal sa Simple Wedding Nila ni Angelica Alita
Para sa isang lalaki, wala na sigurong mas sasaya pa sa araw ng kanyang kasal. Sa espesyal na okasyong ito, sa wakas ay makakaisang-dibdib na niya ang babaeng makakasama niya habang buhay, kaya naman maraming lalaki ang nagiging emosyonal sa kanilang kasal. Isa na doon ay si Jolo Revilla, na hindi mapigilang mapaiyak sa kasal niya.
Matapos ang mahabang paghihintay, sa wakas ay dumating na ang araw na pinakahihintay ni Joel at ng fiancee niya na si Angelica Alita. Kamakailan lamang ay kinasal na ang celebrity couple noong December 16 sa Newport Beach, California.
Dinaluhan ng pamilya ng bagong-kasal ang kanilang pag-iisang dibdib. Hindi rin mawawala ang mga celebrity friends ni Jolo at ang kanyang tatay na si Senator Bong Revilla Jr. Sa sobrang excitement sa kasal ng kanyang anak, ibinahagi rin ni Sen. Bong ang wedding ceremony sa isang video:
"Lahat kami, kinakabahan na, pero makikita po ninyo lahat ng mga nagmamahal kay Jolo. Thankful ako sa lahat ng mga kaibigan natin na pumarito. Makikita po ninyo dito ang malalapit na kaibigan, pamilya. Very solemn po itong wedding, at ito po ang gusto ni Jolo na mangyari—very simple lang."
Kung excited si Sen. Bong, mas excited rin naman ang groom. Sa isang video, makikita kung paano naging emosyonal si Jolo habang naglalakad na sa aisle ang kanyang glowing bride. Hindi rin mapigilang maging emosyonal ni Angelica, na umiiyak habang naglalakad sa sa aisle.
Ilan sa mga naging principal sponsors ng kanilang kasal ay si Davao City Mayor Sarah Duterte, Bacoor City Coucilor Rowena Bautista-Mendiola, Cavite Governor Jonvic Remulla, Congressman Martin Romualdez, at former Senator Jinggoy Estrada.
Naantig ka rin ba sa simple ngunit romantic na wedding na ito ni Jolo Revilla at Angelica Alita? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang updates, i-follow lamang ang Daily Insights.
Jolo Revilla, Emosyonal sa Simple Wedding Nila ni Angelica Alita
Reviewed by Publisher
on
December 18, 2019
Rating:

Post a Comment