Kalog na Makeup Tutorial ni Roxanne Barcelo, Kinagigilawan Ngayon sa Social Media!
Naaalala niyo pa ba si Roxanne Barcelo? Bago maging sikat na sexy actress, sa "Pinoy Big Brother" nagsimula ang career ni Roxanne. Isa siya sa mga pinakakinagigiliwan na housemates sa Celebrity Edition ng reality show noong 2006. Ito ang naging stepping stone ni Roxanne para pasukin ang mundo ng showbiz.
Nang maglaon ay sumabak rin siya sa mga acting roles sa telebisyon. Ngunit hindi lang sa pagiging aktres nakilala si Roxanne. Bago pa siya maging sikat na artista, mas nakilala si Roxanne para sa kanyang mala-anghel na boses. Sa kabila ng lahat, hindi rin nanatili sa industriya si Roxanne.
Sa ngayon ay nanahimik muna siya mula sa showbiz, ngunit patuloy pa rin ang pag-arte at pagmomodelo ni Roxanne. Ngunit kahit na hindi na siya masyadong active sa showbiz, nakahanap naman ng panibagong platform si Roxanne para ibahagi ang kanyang mga lfie updates.
Tulad ng maraming celebrities ngayon, nagkaroon na rin ng Youtube vlog si Roxanne. Dito ay ibinabahagi ng 34-anyos na aktres ang kanyang mga life updates. Mukhang patok na patok naman ito sa kanyang mga fans, dahil kamakailan lang ay nag-viral si Roxanne dahil sa kanyang make up vlog.
Nitong nakaraang November ay nag-share si Roxy ng kanyang make-up routine. Ngunit karamihan ng viewers ay hindi nanood para sa mismong tutorial, kundi para sa kwelang personality ni Roxy B! Talagang kakaiba ang make up tutorial na ito mula sa ibang vlogs sa Youtube.
Dahil dito, nag-viral ang aktres at naging usap-usapan sa social media ang vlog nila. Maraming fans rin ang naaliw at mas nag-aabang pa sa mga future videos ni Roxanne. Patunay lang ito na kahit anong platform ay kayang-kayang mag-shine ni Roxy B!
Panoorin ang kanyang fun-filled make up tutorial dito:
Naaliw rin ba kayo sa kalog at kwelang make up tutorial ni Roxanne Barcelo? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Kalog na Makeup Tutorial ni Roxanne Barcelo, Kinagigilawan Ngayon sa Social Media!
Reviewed by Publisher
on
December 18, 2019
Rating:

Post a Comment