Artistahin! Unica Hija ni Paolo, Pinuri sa Mala-Beauty Queen na Ganda Nito



Makikita kadalasan sa social media ang mga post ng mga magulang na pinapakita kung gaano kabilis lumaki ang kanilang mga anak at kung gaano sila ka-proud sa mga achievements nito. Sikat ka man o hindi, madalas talaga itong gawin ng mga proud parents. At isa na sa kanila ay si Paolo Ballesteros, na talaga namang proud na proud sa kanyang anak.

Ang sikat na host ng noon time show na "Eat Bulaga" na si Paolo Ballesteros ay kilala dahil sa kanyang nakakaaliw na drag make-up at costume. Talagang nakakaaliw ang mga transformation ni Paolo dahil kahit sinong celebrity, babae man o lalaki, ay kuhang-kuha niya ang itsura! Dahil dito, hindi maipagkakaila ang creativity at resourcefulness ni paolo.


Makikitaan ng creativity ang aktor hindi lang sa pagmi-makeup, kundi pati sa pagiging ama nito sa 11-anyos niyang anak. Taong 2008 nang nabiyayaan si Paolo ng kanyang unica hija. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay sakto pang pinanganak ang mag-ama sa iisang date na November 29. Anak ni Paolo si Keira sa kanyang ex-girlfriend na si Kaye Nevada.

Makikita sa host na siya ay isang hands on na ama. Matatandaan na bago isilang ang anak ay nagmamadaling nagpunta sa states ang host upang alalayan ang kanyang partner sa panganganak. At dahil unica hija niya ito, talaga namang mahal na mahal ni Paolo ang kanyang anak na si Keira.




Sa isang IG post binahagi ni Paolo kung gaano na kalaki ang kanyang anak. Kasalukuyang nag-aaral sa isang prestihiyosong international school sa Baguio ang bata kasama ang kanyang ina. Ngunit kahit na malayo si Keira, hindi pa rin iyon hadlang upang mag-bonding sila ni Paolo.

Makikita sa larawan ang ganda at charm ng batang si Keira. Sa katunayan, ang kanyang photo ay inulan ng samu't-saring reaksyon sa social media. Ang lalo pa nag paespesyal sa larawan na ito nang ipinagmalaki ni Paolo sa larawan na suot ng kanyang anak ang ginawa nitong damit para sa unica hija.




Kontrobersyal man ang kasarian ng aktor ay naiintindihan naman ito ng anak, pagbabahagi ni Paolo sa isang interview kasama si Tito Boy. Talaga nga namang napalaki ni Paolo ang kanyang dalaginding nang mabuti.

Ano ang masasabi mo tungkol sa magandang anak ni Paolo Ballesteros? I-share ang inyong opinyon sa comments section below. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Artistahin! Unica Hija ni Paolo, Pinuri sa Mala-Beauty Queen na Ganda Nito Artistahin! Unica Hija ni Paolo, Pinuri sa Mala-Beauty Queen na Ganda Nito Reviewed by Publisher on December 01, 2019 Rating: 5