Umasang may Himala?Vice Ganda, Dismayado sa Pagkatalo ni Gazini Ganados
Kilala ang Pilipinas sa ating pagkahilig sa mga beauty pageants. Bukod sa pagiging 'powerhouse' ng mga winning beauty queens, kilala rin ang mga Pinoy sa ating passion pagdating sa mga beauty pageants. Kaya naman tuwing mayroong competition, nangunguna ang mga Pinoy fans sa pagsuporta sa ating kandidato.
Pati mga celebrities ay hindi nagpapahuli sa mga updates tungkol sa beauty pageants, lalo na sa nagdaang Miss Universe 2019. Isa na dito ay ang komedyanteng si Vice Ganda, na kilala bilang isang pageant enthusiast. Sa katunayan, sa Miss Universe 2019 ay nagdaos pa an "It's Showtime" host ng munting salo-salo habang nanonood sila ng laban.
Kasama ang kanyang mga malalapit na kaibigan, naghanda ng isang salo-salo si Vice Ganda upang mapanood ang Miss Universe grand coronation night. Kumpleto ang kanilang mga pagkain, at talaga namang masaya ang buong tropa sa pagchi-cheer kay Miss Philippines Gazini Ganados.
Marami ang nag-eexpect na maiuuwi rin ni Gazini ang korona, kaya naman marami rin ang nadisappoint nang hindi makapasok si Gazini sa top 10. Maging si Vice Ganda ay hindi napigilang maging malungkot nang malaglag sa kompetisyon si Gazini Ganados, at ito na lamang ang nasabi niya.
"Laglag tayo sa top 10. Laglag? Oh my god. Wala sa top 10 si Gazini!" Ito na lamang ang nabanggit ni Vice matapos tawagin ni Steve Harvey ang mga kandidato na pasok sa Top 10. Sa kasamaang palad, hindi nakapasok si Gazini sa top 10. Sa halip, ang mga kandidatang kasali ay mula sa Colombia, Puerto Rico, South Africa, Peru, Iceland, France, Indonesia, Thailand, USA at Mexico.
Sa kabilang banda, umani naman ng iba't-ibang komento ang reaction video na ito ni Vice. Maraming netizens ang nalungkot rin dahil sa pagkatalo ni Gazini, ngunit marami rin naman ang naaliw sa kwelang reaksyon ni Vice Ganda. Ayon pa sa iba, dapat ay good vibes lang daw dahil ginawa naman ni Gazini ang kanyang best.
Ano ang iyong masasabi sa viral na reaksyon na ito ni Vice Ganda? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang updates, i-follow lamang ang Daily Insights.
Umasang may Himala?Vice Ganda, Dismayado sa Pagkatalo ni Gazini Ganados
Reviewed by Publisher
on
December 09, 2019
Rating:

Post a Comment