Kilalanin ang Half-Sister ni Daniel Padilla na May Future rin sa Showbiz!


Isa si Daniel Padilla sa mga hinahanggang aktor sa industriya ng showbiz ngayon. Hindi maipagkakaila ang angking talento at karisma ni Daniel, kaya naman marami rin siyang tagahanga hindi lang sa Pilipinas, kundi sa iba't-ibang panig ng mundo. Dahil sa kanyang matagumpay na career bilang aktor, binansagang "Teen King" si Daniel.

Hindi na rin lingid sa kaalaman ng lahat na galing sa pamilya ng mga artista si Daniel. Nanay niya si Karla Estrada, na isang sikat na aktres at host, at galing rin siya mula sa Padilla cla tulad ng action star na tito niya na si Robin Padilla at BB Gandanghari. Ngunit alam niyo ba na may isa pang artistahing kapatid si Daniel?



Si Roanna ay nakakatandang half-sister ng aktor sa kanyang ama na si Rommel Padilla. At dahil galing sa angkan ng mga Padilla, talaga namang kakakitaan rin ito ng lahing artistahin! Hindi maipagkakailang taglay rin ni Roanna ang karisma at talento katulad ng younger brother niya na si Daniel Padilla.

Kahit na hindi pa siya pormal na pumapasok sa showbiz industry, marami na rin ang nakaabang sa buhay ni Roanna. Sa Instagram, mayroon na siyang mahigit 85,000 followers na laging nakaantabay sa mga daily updates niya. Dito, ipinapakita rin ni Roanna kung gaano siya ka-supportive na ate sa kanyang nakababatang kapatid.


Mukhang hindi lang pagiging artistahin ang dumadaloy sa dugo ng mga Padilla. Tulad ni Daniel, si Roanna rin ay mahilig sa fashion! Sa kanyang Instagram, makikita ang iba't-ibang outfit of the day ng dalaga. Talaga namang effortless si Roanna para magmukhang classy.

Hindi rin maiwasan sa mga fans ang magtanong: Kailan kaya sasabak si Roanna sa mundo ng showbiz? Sa ngayon ay mukhang wala pang kasagutan dito, pero kung naisin niya mang mag-artista, sigurado naman na maraming nakaabang sa pag-angat niya.



Excited ka na rin ba sa pagpasok sa showbiz ng kapatid na ito ni Daniel Padilla? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Kilalanin ang Half-Sister ni Daniel Padilla na May Future rin sa Showbiz! Kilalanin ang Half-Sister ni Daniel Padilla na May Future rin sa Showbiz! Reviewed by Publisher on December 18, 2019 Rating: 5