Bilyonaryong Magkapatid, Lumabas ang Baho Dahil sa Kanilang Hacienda!
Hindi madali ang buhay ng isang magsasaka. Kahit na dakila ang propesyong ito, nakakalungkot lang na hindi makatarungan ang pagpapasahod sa kanila. Ito ang naranasan ng mag-asawang ito mula sa Cabanatuan, na kahit ilang dekada na nagta-trabaho bilang magsasaka ay basta-basta na lamang tinanggal ng kanilang amo. Ang masakit pa dito, pinagbantaan pa sila.
Upang matulungan sila, dumulog sa tanggapan ni Raffy Tulfo ang mag-asawang si Pepe at Emelita Tumapang. Ayon sa kanila ay mahigit 40 years na silang nagta-trabaho sa Mapalad Rice Mill, ngunit kamakailan lamang ay sinibak silang dalawa. Bukod sa pagsibak sa kanila ng biglaan, wala rin daw binigay na separation pay sa kanila.
Upang malutas ito, kinuha rin ni Raffy Tulfo ang side ng may-ari ng Mapalad Rice Mill na si Chito Uy. Tumanggi itong bigyan ng separation pay si Emelita, dahil hindi daw ito kasama sa official na payroll ng kanilang kompanya. Sa interview, lumabas rin ang baho ng magkakapatid na nagpapatakbo ng Mapalad Rice Mill.
Mas lalong naging kumplikado ang sitwasyon nang makausap ni Raffy ang kapatid ni Chito, na si Romy. Ayon kay Romy, napakabait at napakatagal na empleyado na nila ang mag-asawa. Ngunit bigla na lamang itong tinanggal ni Chito, at diumano'y hindi lang ang mag-asawang Tumapang ang tinanggal ni Chito.
Bukod pa dito, ibinuking rin ni Romy ang masamang ugali ng kanyang kapatid. Bukod sa pagiging unfair na boss, bastos na anak rin daw ito. Madalas rin daw ay kaaway ito ng kanyang mga kamag-anak dahil sa kanyang ugali. Ayon kay Romy, pati nanay nila ay minumura ni Chito tuwing mainit ang ulo nito.
Nagkalabasan na nga ng baho ang bilyonaryong pamilya na ito. Ngunit ang mas mahalaga ay naresolba ang problema nila Nanay Emelita at Tatay Pepe. Ayon kay Raffy Tulfo, sa ayaw o sa gusto man ni Chito ay dapat bayaran niya ng separation pay ang dalawa. Humigit-kumulang P500,000 ang matatanggap ng mag-asawa.
Panoorin ang buong video dito:
Naranasan mo na rin bang masibak sa trabaho nang walang separation pay? I-share ang inyong karanasan sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Bilyonaryong Magkapatid, Lumabas ang Baho Dahil sa Kanilang Hacienda!
Reviewed by Publisher
on
December 18, 2019
Rating:

Post a Comment