Mister, May Bonggang Pa-13th Month Pay sa Kanyang Maswerteng Misis


Sa pagsapit ng pasko, isa sa mga pinakainaabangan ng mga tao ay ang Christmas bonus. Maraming empleyado ang nakaabang na sa kanilang 13th month pay na isang maagang pamasko mula sa kanilang mga boss. Ngunit alam niyo ba na hindi lang pala mga empleyado ang maaaring makatanggap ng Christmas bonus ngayong December?

Sabi nga nila, ang pagiging ina ay isang trabaho na walang sweldo at walang day-off. Kung ang tatay ay kumakayod sa araw, araw-gabi naman at hindi natatapos ang trabao ng isang ina. Kaya naman ngayong pasko, dapat ay alalahanin rin natin ang sakripisyo ng ating mga ilaw sa tahanan.



Para sa mister na ito, ngayong kapaskuhan ay panahon na rin para pasayahin ang misis niya. Kaya naman naghanda siya ng isang munting sopresa na makakapagpasaya sa kanyang asawa. Usap-usapan ngayon ang ginawa ni Edmar Dizon Vergara sa kanyang misis, na talaga namang nagpahanga sa mga netizens!

Sa kanyang viral Facebook post, ibinahagi ni Vergara kung paano niya sinorpresa ang kanyang misis ng "13th month pay" nito. Sa isang video, makikita ang sorpresa ni Vergara para sa kanyang asawa: isang brand-new cellphone at syempre, cash!

"Alam natin kapag housewife ang ating asawa dapat mas lalo natin silang ma–appreciate, sila nag–aalaga nang mabuti sa ating mga anak at magaling magbudget, sobrang sacrifice mag–alaga dahil maiiba nature ng isang babae lalo’t nasanay sa work, kaya i–appreciate natin lahat…"



Kitang-kita naman sa reaksyon ni misis na wala siyang mapaglagyan ng galak sa sorpresang ito ng mister niya. Siguradong mag-eenjoy siya sa regalo nitong cellphone, gadgets, at cash na pang-shopping! Panahon ngayon para si misis naman ang mag-relax at mag-enjoy para sa kanyang sarili.

Sa kabilang banda, natuwa naman ang mga netizens sa video na ito. Marami ang napa-sana all na lang dahil diumano'y napakaswerte ni misis sa kanyang asawa.


Natuwa rin ba kayo sa bonggang pa-13th month pay ng lalaking ito sa kanyang asawa? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Mister, May Bonggang Pa-13th Month Pay sa Kanyang Maswerteng Misis Mister, May Bonggang Pa-13th Month Pay sa Kanyang Maswerteng Misis Reviewed by Publisher on December 18, 2019 Rating: 5