Asong Tinutulak ang PWD na Amo, Kinagiliwan ng mga Netizens sa Social Media


Sabi nga nila, a dog is man's best friend. Kapag pinakitaan mo ang isang aso ng kabaitan, siguradong susuklian niya rin ito ng pagmamahal at katapatan. Kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit maraming tao ang nagmamahal sa kanilang alagang aso. Hindi ka lang basta-basta nag-alaga ng hayop, dahil pamilya na rin ang turing sa kanila.

Marami na tayong narinig na kwento tungkol sa isang nakakaantig na relasyon ng aso at ng kanyang amo. Kadalasan ay napapabalita rin ang mga aso dahil sa kanilang kabayanihan. Talagang lahat ay kaya nilang gawin para sa kanilang amo, katulad na lamang ng asong ito na viral ngayon sa social media.


Usap-usapan ngayon sa Facebook ang picture na ito ng isang taong may kapansanan at ng kanyang alagang aso. Ibinahagi ng netizen na si Krizzia Aurelio ang natunghayan niya sa daan. Ayon kay Krizzia, kahit na mainit ang sikat ng araw ay tila hindi ito iniinda ng asong si Digong, basta't matulungan lamang ang kanyang amo.

"Saw them at the street. It really melt my heart. Kudos to this dog," ito ang maikling ngunit nakakaantig na caption ni Aurelio sa kanyang viral Facebook post.

Kitang-kita sa mga larawan kung paano itulak ni Digong ang kanyang amo habang nakasakay ito sa wheelchair. Hindi ito madali, lalo pa't mainit ang panahon. Pero para kay Digong, lahat ay kakayanin niya para matulungan lamang ang amo niya! Dahil dito, maraming netizens ang humanga sa asong ito.



Ayon sa Facebook update ng Tagumpay Radio Facebook page, ang mga nasabing larawan ay kuha sa Tagum City, Davao. Maraming netizens rin ang naaliw dahil ipinangalan ang aso kay pangulong Rodrigo 'Digong' Duterte, na nagmula rin sa Davao City.

Sa kabilang banda, naging tulay naman ang social media upang bumuhos ang tulong kay Digong at sa kanyang amo. Marami ang nais na mag-abot ng tulong at suporta para sa dalawa, lalo pa't libo-libong tao ang nainspire sa kakaibang kwento nila.

Silipin ang iba pang comments ng mga netizens dito:



Mayroon na rin bang pagkakataon na iniligtas ka ng alaga mo? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Asong Tinutulak ang PWD na Amo, Kinagiliwan ng mga Netizens sa Social Media Asong Tinutulak ang PWD na Amo, Kinagiliwan ng mga Netizens sa Social Media Reviewed by Publisher on December 11, 2019 Rating: 5