Mga Pasaherong Aeta, Tinanggihan Pasakayin sa Bus


Dahil Pasko na, dumarami na naman ang nagsisiuwian sa kani-kanilang probinsya upang makasama ang pamilya. Siksikan ang mga bus, kaya naman hindi talaga madaling makasakay dahil sa dami ng mga pasahero. Isa sa mga na-stranded ay ang grupo ng Aeta na ito, na hindi nakasakay hindi dahil sa dami ng pasahero, kundi dahil tinanggihan sila ng driver.

Sa Facebook, maraming netizens ang umalma sa kwento ng isang netizen na ito. Ayon kay Mikhael Petito, habang naghihintay siya ng bus na papuntang Pasay ay nakita niya ang mga grupo ng Aeta na nag-aabang rin ng masasakyan. Ngunit ilang bus na daw ang nagdaan pero tinatanggihan lamang sila.


Ayon kay Mikhael, dalawang aircon bus na ng Victory Liner ang tumatangging isakay ang grupo ng mga ita. Nilinaw rin ni Mikhael na wala namang dahilan upang tanggihan sila ng mga pampasaherong bus, dahil mga pasahero lang rin sila na gusto nang makauwi.

Kalaunan naman ay nakasakay rin ang mga stranded na Aeta. Sa tulong ni Mikhael, nakasakay sila sa isang mini-ordinary bus. Ngunit gayunpaman, hindi pa rin dito natatapos ang isyu. Kinuwestiyon ni Mikhael ang kumpanya ng sikat na bus lines kung mayroon ba silang policy tungkol sa pagtanggi ng mga pasahero.



Sa isang statement, iginiit naman ng Customer Care Superintendent ng Victory Liner na hindi nila kinokondena ang gawaing ito ng ibang driver.

“I totally agree with you, that all of the PUV's should not select their passengers. All are equal and should be treated the same as the others. Aeta's are also filipino's are humans therefore they should be treated as one."

Sa kabilang banda, umani naman ng iba't-ibang reaksyon ang post na ito sa social media. Maraming netizens ang hindi mapigilang mainis sa mga bus at konduktor na tumangging isakay ang mga Aeta. Ayon pa sa iba, nararapat lamang na parusahan ang mga driver na mapapatunayang tumanggi sa pasahero. Narito ang ilang comment ng mga netizens:



Sa tingin mo'y dapat bang patawan ng kaparusahan ang mga bus drivers na tumatanggi magsakay ng pasahero? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Mga Pasaherong Aeta, Tinanggihan Pasakayin sa Bus Mga Pasaherong Aeta, Tinanggihan Pasakayin sa Bus Reviewed by Publisher on December 24, 2019 Rating: 5