Down to Earth Talaga! Moira, Sinorpresa ang Kanyang Fan na Nag-Perform ng Kanta Niya
Isa si Moira dela Torre sa pinakasikat na singer sa showbiz industry. Siya ang nagpasikat ng mga kanta na "Tagpuan," "Malaya," "Titibo-tibo," at "Ikaw at Ako." Dahil sa kanyang mga nakakakilig na kanta, maraming tao rin ang gumagawa ng song covers ni Moira. Isa na sa kanila ay ang babaeng ito, na sinorpresa mismo ni Moira!
Sa social media, ibinahagi ng Kapamilya singer ang kanyang nakaka-amaze na encounter sa isang fan. Habang nagdi-dinner sa mall kasama ang kanyang asawang si Jason, napansin ni Moira ang isang babaeng may gitara at kumakanta ng kanta niya. Ayon sa singer ay kakaibang saya ang naramdaman niya nang marinig niya ang sarili niyang kanta!
"Nagdi-dinner lang kame nung may narinig kaming nagbbusk kinakanta mga kanta namin. Iba parin talaga yung feeling na marinig mo yung kanta mong kinakanta ng iba. Sobra sobra akong nagpapasalamat sa Panginoon sa lahat ng pinakilala Niya sa akin sa Tagpuan."
Ito ang pahayag ni Moira sa Facebook, kasama ang video ng kanilang performance. Sa video, makikitang nilapitan ni Moira ang kanyang fan at nagbigay siya ng pera dito.
Sa una ay hindi pa niya nakilala si Moira, pero matapos itong ituro ng iba pang tao, nagulat na lamang ang babae! Ayon kay Moira, si TJ ay isa sa kanyang mga taga-hanga at isa sa mga paborito nitong i-perform ay ang mga kanta ni Moira.
Upang ipakita ang kanyang appreciation, naisipan ni Moira na makipag-duet sa kanyang fan. Kumanta sila ng "Tagpuan," habang si TJ naman ang nagpapatugtog ng gitara. Maraming tao ang nakaabang, at pati si Jason ay nakipag-duet na rin kay Moira. Mas dumami pa ang mga tao nang kantahin ng couple ang kanilang theme song na "Ikaw at Ako."
"Kaya sinurprise namin ni Jason yung kumakanta. Pangalan niya TJ. At ang dami niyang napasaya kagabi... isa na'ko don. Salamat sa lahat ng nakikanta sa #BiglaangTagpuan. What a great way to end the year."
Sa kabilang banda, pinuri naman ng mga fans ang ginawang ito ni Moira. Hindi araw-araw ay nangyayari ito sa isang fan, at siguradong habambuhay maaalala ni TJ ang ginawang sorpresa sa kanya ng kanyang idol.
Namangha ka rin sa surprise duet ni Moira at ng kanyang taga-hanga? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Down to Earth Talaga! Moira, Sinorpresa ang Kanyang Fan na Nag-Perform ng Kanta Niya
Reviewed by Publisher
on
December 14, 2019
Rating:

Post a Comment