18-Anyos na Anak ni Robin Padilla, Ikinasal sa Australian Girlfriend
Para sa iyo, ano ang tamang edad para magpakasal? Para sa karamihan, walang tamang sagot sa tanong na ito, dahil ang pagpapakasal ay hindi lamang nakasalalay sa edad. Kagaya na lamang ng anak na ito ni Robin Padilla, na sa edad na 18-anyos ay nagpakasal na agad! Ngunit kahit bata pa, pinatunayan niya ang kanyang mabuting hangarin.
Si Ali Padilla ay ang pinakabata at ang natatanging anak na lalaki ni Robin Padilla sa kanyang ex na si Liezl Sicangco. Hindi ito lumaki sa piling ng aktor, at bata pa lamang si Ali ay nakatira na siya sa Australia kasama ang kanyang nanay at nakakatandang kapatid ni Zhen. Dahil dito, hindi rin masyadong malapit si Ali sa limelight.
Kaya naman nang malaman ng publiko na ikinasal na siya, na-curious ang mga tao! Sa edad na 18-anyos, nakipag-isang dibdib si Ali sa kanyang Australian girlfriend na si Hannah. Ginanap ang kanilang simple ngunit romantic na kasal noong November 17 sa Broabeach Queensland, Australia.
Dahil sa kanilang busy schedule, hindi naman nakadalo sa ceremony si Robin at ang mga anak nitong si Kylie at Queenie Padilla. Gayunpaman, nagpaabot sila ng kanilang pagbati at nakakaantig na mensahe para sa kanilang kapatid.
"I'm happy my son you have found your love that can bring you more closer to the one and only Creator. Fortunately you found your true love in such young age with this good fortune comes raging enthusiasm, which you must temper in patience for nothing happens overnight in our youth," ito ang pahayag ng tatay ng groom sa Instagram.
Hindi lang si Robin ang excited sa kasal ni Ali, dahil maging ang kanyang kapatid na si Queenie ay mayroon ring nakakaantig na mensahe para sa kanyang bunsong kapatid. Kahit na bata pa si Ali, tanggap naman at nirerespeto ng kanyang pamilya ang desisyon niyang lumagay na sa tahimik.
Kinilig ka rin ba sa simple ngunit romantic na wedding na ito ni Ali at Hannah? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
18-Anyos na Anak ni Robin Padilla, Ikinasal sa Australian Girlfriend
Reviewed by Publisher
on
December 14, 2019
Rating:

Post a Comment