Silipin ang Buhay ni Yen Santos Bago Siya Naging Sikat na Aktres
Isa si Yen Santos sa mga pinakahinahangaang aktres sa Kapamilya network. Mas sumikat si Yen nang gampanan niya ang role ng legal wife na si Jacky sa "Halik." Talaga namang maraming fans ang humanga sa angking galing ni Yen sa pag-arte. Ngunit alam niyo ba kung paano nagsimula ang career ni Yen bilang artista?
Ngayon, ating balikan kung paano nga ba pumasok sa showbiz industry si Yen Santos. Bago maging leading lady ni Jericho sa "Halik," si Yen ay nagsimula muna bilang housemate sa sikat na reality show na "Pinoy Big Brother: Teen Clash" noong 2010. Ngunit hindi pinalad si Yen na magwagi, dahil sa ika-43 na araw pa lamang ay na-evict na siya.
Nasundan ang PBB ng kanyang project na "Pure Love," isang Pinoy remake ng Koreanovela na ginampanan ni Yen at Alex Gonzaga. Dito na unti-unting nakilala si Yen sa kanyang talento sa pag-arte. Kahit baguhan pa lamang, pinatunayan ni Yen na kaya niyang makisabay sa mga beteranong atista tulad nila Joseph Marco, Matt Evans, Arjo Atayde, at Alex Gonzaga.
Dito na nagsimulang tumanggap si Yen ng mga daring roles. Matapos ang "Pure Love" ay naging leading lady naman si Yen ng "All of Me," kung saan nakasama niya sina JM de Guzman at Albert Martinez. Sinundan rin ito ng blockbuster movie na "Northern Lights: A Journey to Love" kung saan nakatambal niya si Piolo Pascual.
Talagang nakakamanghang isipin na malayo na ang narating ngayon ni Yen! Mula sa pagiging PBB housemate, isa na siya sa mga pinakasikat na aktres sa buong showbiz industry ngayon.
Fan ka rin ba ni Yen Santos? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Silipin ang Buhay ni Yen Santos Bago Siya Naging Sikat na Aktres
Reviewed by Publisher
on
December 15, 2019
Rating:

Post a Comment