Dating Guro ni Rosemil Edroso, Isiniwalat ang Pagkatao Niya
Naaalala niyo pa ba ang nanay na inireklamo ang teacher ng anak niya? Kamakailan lang ay nag-trending sa buong Pilipinas ang reklamo ni Rosemil Edroso sa tanggapan ni Raffy Tulfo. Kasama ang kanyang nanay, inireklamo ni Rosemil ang elementary teacher na si Melito Limjuco, na diumano'y nagpahiya sa kanyang anak.
Sa "Aksyon sa Tanghali," isiniwalat ni Rosemil ang ginawang diumano'y pamamahiya ni teacher Melita sa kanyang anak. Ayon kay Rosemil, na-trauma ang kanyang anak matapos itong ipahiya at palabasin sa classroom ni Teacher Melita dahil nalimutan nitong dalhin ang kanyang report card.
Buong sambayanan ang tumutok sa mainit na isyung ito. Marami rin ang nadismaya sa diumano'y 'unfair judgment' ni Raffy Tulfo, kung saan pinapili niya ang guro na sapilitang mag-resign o kakasuhan siya ng criminal case. Kahit na inamin ni Tulfo na siya'y nadala lamang ng pangyayari, maraming tao pa rin ang hindi nakalimot sa isyung ito.
Isa sa mga netizen ay mayroong ibinunyag tungkol sa katauhan ng nanay ng bata na si Rosemil. Pinagkaguluhan ng mga netizens ang comment ng isang taong nangngangalang Eric Dolloso sa Facebook, kung saan ibinunyag niya ang ugali ni Rosemil. Ayon kay Dolloso ay naging estudyante niya si Rosemil dati.
"First year college yan si Rosemil ng mabuntis sya kaya nag-stop na agad. Araullo High School galing yan, napakagandang bata nyan kaya lang walang utak. Bagsak sakin yan walang alam eh tapos sasabihin matalino anak san kaya nagmana," ito ang comment ni Dolloso na pinagkaguluhan online.
Umani ng iba't-ibang reaksyon ang comment na ito sa social media. May mga netizens na kumampi kay Dolloso, ngunit may iba rin naman na sinabing 'unethical' ang ginawa ni Dolloso, kung totoo mang naging guro siya ni Rosemil dati. May mga netizens rin ang nagalit dahil sa ginawang pandadamay ni Edroso sa bata.
Sa kabilang banda, hanggang ngayon ay hindi pa rin nareresolba ang isyung ito. Binawi na ni Raffy Tulfo ang kanyang mga nasabi kay Teacher Melita, ngunit walang balak mag-atras ng kaso ang kampo ng nanay ng bata. May usap-usapan rin na maghahabla ng kaso ang teacher dahil sa ginawang pagpapahiya sa kanya.
Naniniwala rin ba kayo sa rebelasyong ito na ipinakalat ng dating teacher ni Edroso? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Dating Guro ni Rosemil Edroso, Isiniwalat ang Pagkatao Niya
Reviewed by Publisher
on
December 03, 2019
Rating:




Post a Comment