Ai-Ai delas Alas, Siniwalat ang Totoong Attitude ni Coco Martin sa Taping!


Sa pagsapit ng December, maraming Pinoy na naman ang excited sa kapaskuhan. Sa pagpatak ng espesyal na holiday na ito, marami rin ang nakaabang sa Metro Manila Film Festival! Taun-taon ay idinaraos ang MMFF upang magbigay-pugay sa mga pelikulang gawang Pinoy. Ngayong taon, nag-desisyon si Coco Martin na sumabak sa MMFF hindi bilang aktor, kundi bilang direktor.

Nitong nakaraang November 24 ay inilabas ni Coco Martin ang nakaka-excite na trailer ng kanyang MMFF entry na "3Pol Trobol Huli Ka Balbon," na pinagbibidahan ng mga malalaking pangalan sa showbiz tulad na lamang ni Jennylyn Mercado, Ai-Ai delas Alas, at Sam Milby. Ito ang kauna-unahang MMFF entry kung saan si Coco ang direktor.



Sa pelikulang ito, gaganap si Coco Martin bilang isang pulis na na-frame up at papatunayan ang kanyang pagiging inosente. Ngunit hindi rin naging madali para kay Coco na pagsabayin ang pagdidirek at ang pag-akting. Naging saksi sa kanyang dedication ang kanyang mga co-stars, kabilang na si Ai-Ai delas Alas.

Sa isang interview, ibinunyag ni Ai-Ai kung paano mag-manage si Coco Martin bilang director. Ayon sa Comedy Queen, talaga namang kakakitaan ng professionalism ang Kapamilya actor sa set. Strikto daw si Coco pagdating sa schedule, kaya naman lagi ring maaga natatapos ang taping nila.

"Bukod sa masaya, hyper-hyper yun, e, si Baby Boy. Gusto niya mabilis, gusto niya maaga… maaga natatapos para maaga nakakapagpahiga ang mga artista. E, masyadong metikuloso ‘yon, masyadong perfectionist," ito ang pahayag ni Ai-Ai sa press sa kanyang contract renewal ng isa niyang endorsements.



Ayon pa kay Ai-Ai, may isang salita si Coco pagdating sa kanilang taping. Pag sinabi umano nitong 5 a.m., ay sakto talagang nagsisimula ang taping. Alagang-alaga rin daw ni Coco ang mga cast lalo na pagdating sa pagkain. Bukod pa dito, metikuloso rin daw si Coco pagdating sa mga shots ng pelikula.

Sa "3Pol Trobol Huli Ka Balbon," gaganap si Ai-Ai bilang nanay ni Coco. Malaki rin daw ang pasasalamat niya sa aktor at isinama siya nito sa kauna-unahang MMFF film nito. Ayon kay Ai-Ai, talagang binigyan siya ni Coco ng moment para mag-shine sa kanilang pelikula. Abangan na lang natin ito mga sinehan sa December 25!


Excited na rin ba kayong mapanood ang bagong pelikula ni Ai-Ai at Coco? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Ai-Ai delas Alas, Siniwalat ang Totoong Attitude ni Coco Martin sa Taping! Ai-Ai delas Alas, Siniwalat ang Totoong Attitude ni Coco Martin sa Taping! Reviewed by Publisher on December 03, 2019 Rating: 5