Aiko Melendez, Naawa sa Mag-Inang Inabandona ng Ex-Husband na si Jomari Yllana
Kamakailan lamang ay nasangkot sa kontrobersya ang aktor at konsehal na si Jomari Yllana. Ibinunyag ng kanyang dating live-in partner na si Joy Reyes na tuluyan na silang inabandona ni Jomari. Ang dahilan? Diumano'y may bago ng kinakasamang babae ang Paranaque councilor, na nagtulak dito upang iwanan ang kanyang pamilya.
Matatandaang mayroong dalawang anak si Jomari kay Joy, isang one-year-old at isang three-month-old na sanggol. Dahil dito, labis ang hinagpis ni Joy dahil iniipit umano siya financially ni Jomari. Bukod pa dito, isiniwalat niya rin sa Instagram at Facebook ang ginawang pagtataksil nito sa kanya.
Marami namang tao ang nag-comment sa issue na ito, at isa na doon ay ang ex-wife ni Jomari na si Aiko Melendez. Ayon kay Aiko, nakarating lamang sa kanya ang issue matapos niya itong mabasa sa PEP. Gayunpaman, mas pinili ng aktres ang manahimik na lamang sa pag-asang maaayos pa ng dalawang partido ang kanilang problema:
"Bilang may karelasyon ako ngayon, si Vice Governor Jay Khonghun, gusto ko yung ibigay na yung respeto na yun na ayaw ko mag-comment. Pero ang prayer ko, kung ano man ang hinihingi ng bawat partido, sana mabigay, lalo na at may batang involved," ito ang naging pahayag ni Aiko sa kanyang exclusive interview sa PEP.
Aminado rin si Aiko na hindi na sila nagkakausap ng kanyang dating asawa. Ngunit bilang nanay, nakaramdam din ng simpatya ang aktres para sa mga anak ni Jomari at Joy, na masyado pang maliliit.
May isang anak si Aiko kay Jomari na si Andre. Matapos raw pumutok ang issue ay agad niyang tinanong ang anak kung may nalalaman ba ito. Gayunpaman, nagpapasalamat si Aiko sa mga blessings na natatanggap nilang mag-ina at hindi nila dinanas ang ganitong klaseng problema:
"Kung anuman yung meron kami, siguro that’s the reason why I’m blessed and worked hard siguro para maiwasan ko yung ganitong issue. Siguro, kaya rin siguro ako bini-bless ng Panginoon ng maraming trabaho para sa mga anak ko, para mabigay ko sa mga anak ko ang best para sa kanila."
Sa kabilang banda, hanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig ni Jomari Yllana tungkol sa usaping ito.
Sa tingin niyo'y mareresolba pa kaya ni Jomari Yllana at Joy Reyes ang kanilang problema? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Aiko Melendez, Naawa sa Mag-Inang Inabandona ng Ex-Husband na si Jomari Yllana
Reviewed by Publisher
on
December 02, 2019
Rating:





Post a Comment