Babaeng Nag-Eskandalo sa Mall, Patong-Patong na Kaso ang Haharapin


Kamakailan lang ay kumalat sa social media ang video ng isang babae na nagwawala sa loob ng isang mall sa Cebu. Sa videong ito, kinilala ang babae na si Medelina Yamazaki na nagwawala matapos ang isang komprontasyon sa isang saleslady. Kahit na kasama ang kanyang anak at asawa, tuloy-tuloy pa rin ang pagwawala at pag-eeskandalo ni Medelina.

Ayon sa kay Sgt. Jerby Manuloy-on, nagsimula ang gulo dahil sa baby ni Medelina. Diumano'y pinagsabihan ng saleslady si Medelina na huwag ipahawak ang tester sa bata, dahil kapag na-damage ito ay babayaran nila. Dito na nagsimulang uminit ang ulo ni Medelina at agad-agad nagwala sa harap mismo ng sales lady.




Bukod sa pagmumura at panduduro, dumating pa sa punto na sinaktan ni Medelina ang promodizer. Kahit hindi nakita sa video, ayon sa mga saksi ay binato ni Medelina ng humidifier ang saleslady at tinamaan ito sa ulo. Nagresulta ito sa pagdurugo ng mata ng kawawang saleslady.

Dahil dito, tumawag na ng pulis ang management upang makialam sa pangyayari. Inaresto si Medelina sa kanyang salang physical injury at diretso sa kulungan, lalo pa't kitang-kita sa mukha ng saleslady ang bakas ng pananakit niya. Ayon naman kay Sgt. Manuloy-on, tinangka pa raw nitong magmakaawa.



Ginamit diumano ni Medelina na dahilan ang kanyang anak upang hindi siya makulong, ngunit sa huli ay hindi rin umubra ang mga palusot niya. Sa isang video, makikita si Medelina sa loob ng rehas na ayaw ipakita ang mukha nito.

Sa kabilang banda, wala daw balak na iatras ng biktima ang kaso laban kay Medelina. Buo ang loob ng saleslady lalo pa't hindi lang basta-basta pamamahiya ang ginawa sa kanya ng bastos na customer na ito. Bukod sa physical injury, patong patong na kaso na grave threat, malicious mischief, unjust vexation, at damage property ang haharapin niya.




Sa tingin mo'y dapat lang ba na mapanagot sa kanyang kasalanan ang babaeng ito? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Babaeng Nag-Eskandalo sa Mall, Patong-Patong na Kaso ang Haharapin Babaeng Nag-Eskandalo sa Mall, Patong-Patong na Kaso ang Haharapin Reviewed by Publisher on December 12, 2019 Rating: 5