Nakaraos na rin! Kylie Padilla, Ligtas na Naisilang ang Second Baby Nila ni Aljur


Sa isang pamilya, wala nang mas sasaya pa sa pagkakaroon ng baby. Talaga namang napakaaliwalas at napakasaya ng tahanan kapag mayroong mga bata. Ngayong paparating na pasko, ang pagdating ng kanilang second baby na marahil ang pinakamagandang regalo na natanggap ng celebrity couple na si Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Noong December 9 ay ligtas na naisilang ng 26-anyos na aktres ang kanyang pangalawang anak. Ipinakilala niya ito sa pamamagitan ng social media. Isang araw matapos siyang manganak, excited na ibinahagi ni Kylie sa Instagram ang munting daliri ng kanyang baby na pinangalanan nilang Axl Romeo.



"Axl Romeo Abrenica came into our lives. He is loved, he is cherished and he has one strong suck just like his kuya," ito ang nakakaantig na caption ni Kylie para sa kanyang baby boy.

Matapos manganak ay kinailangan naman ni Kylie na magpahinga. Ngunit imbes na matulog at mag-relax, mas ginusto pa ng aktres na makasama ang kanyang baby. Sa Instagram story niya, makikitang parehong nagba-bonding si Kylie at si baby Axl habang nakikinig sa relaxing music.

Maging si Aljur at si baby Alas Joaquin ay excited rin na ma-meet ang kanilang pinakabagong family member. Of course, hindi rin magpapahuli ang mga showbiz friends at close family ng dalawa na nagpahatid rin ng kani-kanilang pagbati.


Ilan lamang sa nag-welcome kay baby Axl ay sina Angel Locsin, Maritoni Fernandez, Max Collins, Chynna Ortaleza, Diana Zubiri, at ang mother-in-law ni Kylie na si Mariel Padilla, na kamakailan lang ay nagsilang rin ng kanyang second baby with Robin.

Maalalang nitong nakaraang August nang ibahagi ni Kylie Padilla na buntis siya sa kanyang second baby. Sa kanyang personal vlog, inannounce ni Kylie na excited na sila ng kanyang asawang si Aljur dahil sa wakas ay magiging kuya na ang kanilang anak na si baby Alas Joaquin.



Excited na rin ba kayong makita ang second baby boy na ito ni Kylie at Aljur? Sino kaya ang kanyang kamukha? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para s aiba pang latest updates, huwag kalimutang i-follow ang Daily Insights sa Facebook.
Nakaraos na rin! Kylie Padilla, Ligtas na Naisilang ang Second Baby Nila ni Aljur Nakaraos na rin! Kylie Padilla, Ligtas na Naisilang ang Second Baby Nila ni Aljur Reviewed by Publisher on December 12, 2019 Rating: 5