"Papaka-bitter ka na lang"- Mika dela Cruz, May Palaban na Sagot Kay Alexa
Bata pa lamang siya ay pumasok na sa showbiz industry si Nash Aguas. Habang tumatanda ay makikita na ang child actor ay nag-dedevelop at nag mamature na. At ngayon, kahit ang love life niya ay public news na rin! Inamin ng "Goin' Bulilit" star kamakailan lang na matagal na siyang may pagtingin sa kanyang co-teen star na si Mika dela Cruz. At mukhang na-develop na rin si Mika, dahil ngayon ay official couple na sila.
Sa kasalukuyan ay magkarelasyon ang dalawa at makikitang madalas magkasama hindi lang sa publiko kundi maski sa mga social gatherings ng ABS-CBN. Kahit sa Instagram ay sweet na sweet pa rin ang celebrity couple, kung kaya naman maraming fans rin ang kinikilig sa tambalan nila. Nitong nakaraan lang ay namataan si Nash na nag-comment sa IG ni Mika ng: "13 years and I still love you."
Ngunit mukhang hindi lahat ay masaya sa relasyon ni Nash at Mika. Ang kanilang "Goin' Bulilit" star na si Alexa Ilacad ay mukhang mayroong hinanakit. Kamakailan lang ay naging maugong ang interview ni Alexa, na mukhang naipit rin sa relasyon ng dalawa. Nilabas nito ang sama nang loob sa isang episode ng "Tonight with Boy Abunda" .
"Napaisip lang ako when I read that '13 years' thing kasi inside that 13 years I was there. So when you say that, '13 years and I still love you,' where was I?" pagbabahagi ng dalaga kay Tito Boy. Tinutukoy dito ni Alexa ang maikling relasyon nila ni Nash Aguas.
Ngunit hindi naman nagpahuli si Mika upang ipahayag ang kanilang side. Sa Instagram, nag-post rin ang Kapuso actress ng isang malamang statement at kahit wala siyang binanggit na pangalan, mukhang alam na ng mga fans kung sino ang pinapatungkulan ni Mika.
"Finally pagod na yung tao sayo at sa ways mo, tsaka mo marerealize 'yung wieght ng mga bagay na nagawa mo at di mo nagawa. Tapos magsisisi ka. Papaka-bitter ka na lang kasi alam mong kahit anong gawin mo, hindi mo na siya mababalik. Kasi alam mo sa sarili mo kahit anong ibang rason pa halungkatin mo, ikaw yung nagkulang."
Sa ngayon ay hinihintay pa ng mga netizens ang panig ni Alexa. May sagot rin kaya siya sa mga maaanghang na patutsada ni Mika? Abangan!
Ano ang masasabi mo sa reaksyon ni Alexa Ilacad? I-share ang inyong opinyon sa comments section below. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
"Papaka-bitter ka na lang"- Mika dela Cruz, May Palaban na Sagot Kay Alexa
Reviewed by Publisher
on
November 30, 2019
Rating:




Post a Comment