Anne Curtis at Erwann Heussaff, Ibinuking ang Gender ng First Baby Nila
Noong nakaraang November, maraming fans ang na-excite sa rebelasyon ni Anne Curtis na nagdadalangtao siya! Ginamit ng "It's Showtime" host ang social media upang ipalaganap sa kanyang mga fans ang nakaka-excite na balitang ito. Sa isang creative production, ipinakita ni Anne ang kanyang baby bump kasama ang kanyang asawang si Erwan Heussaff.
Sa puntong iyon ay nasa ika-limang buwan na ng pagbubuntis ang 34-anyos na aktres. Simula nang i-open up ito ni Anne, wala nang ibang bukambibig ang kanyang mga fans kundi ang gender ng baby. At ngayon, hindi naman tayo binigo ng "It's Showtime" host dahil sa wakas ay ibinahagi niya na ang gender ng pinagbubuntis niya.
Sa wakas, matapos ang mahabang paghihintay ay may kasagutan na sa tanong na bumabagabag sa mga fans! Ano nga ba ang gender ng ipinagbubuntis ni Anne? Sa isang Instagram post, ibinahagi ng celebrity couple sa pamamagitan ng isang pictorial na sila'y nage-expect ng baby girl!
Maging si Erwann ay excited na sa pagdating ng baby girl sa kanilang tahanan. Ibinahagi ni Erwann ang kanyang excitement sa Instagram, kung saan nag-share siya ng romantic photo nila ni Anne na may caption: "Our household is about to be ruled by two strong women. Can't wait!"
Kasunod nito ay ang star-studded na baby shower ni Anne Curtis. Of course, hindi mawawala ang kanyang pamilya at mga malapit na kaibigan sa showbiz sa espesyal na okasyong ito. Kasama sa mga namataan sa kanyang baby shower ay ang kanyang sister-in-law na preggy rin na si Solenn Heussaff.
Marami rin ang dumalo, ilan sa spotted ay ang mga malalapit na kaibigan ni Anne na sina Matteo Guidicelli, Bea Alonzo, Angelica Panganiban, Vicky Belo, at ang nanay ni Anne na si Mommy Carmen at kapatid na si Jasmin Curtis. Talagang excited ang lahat na ma-meet na ang first baby ng celebrity couple!
Excited ka na rin bang makita ang baby ni Anne at Erwan? Sa iyong palagay, sino kayang kamukha niya? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Anne Curtis at Erwann Heussaff, Ibinuking ang Gender ng First Baby Nila
Reviewed by Publisher
on
December 19, 2019
Rating:

Post a Comment