Cesar Montano, Inaming Humingi na Siya ng Kapatawaran sa Ex-Wife na si Sunshine
Sa pagsapit ng 2020, muling sasabak na naman sa pelikula ang batikang aktor na si Cesar Montano. Sa pagkakataong ito, hindi lang lokal kundi international na movie ang pagbibidahan ng Kapamilya star. Sa pelikulang "Freedom Fighters," na hango sa isang sikat na memoir, makakatrabaho ni Cesar si Senador Manny Pacquiao.
Ito ang pangalawang pelikula ni Cesar sa Hollywood. Matatandang bumida rin siya sa isang action war film na "The Great Raid" na naging patok rin sa takilya. Kaya naman sa pagkakataong ito, mas lalo pang excited ang aktor sa kalalabasan ng kanilang pelikula ni Manny.
Bukod sa pagbabalik-pelikula, ibinahagi rin ng 57-anyos na aktor ang mga bagay na pinagkakaabalahan niya ngayon. Ayon kay Cesar, nagsimukla na rin siyang magbalik-loob sa simbahan, kaya naman mas pinipili niyang gampanan ang mga meaningful roles sa susunod na taon:
"To do meaningful films na gusto Niya gawin. All of the films na naka-line up na gusto Niyang ipagawa sa akin. He gave me the talent to do films and I will focus sa paggawa pa ng pelikula. I feel relaxed, I feel happy from what I'm doing."
Ito ang pahayag ng aktor sa isang interview nang tanungin siya kung anong balak niya sa kanyang career.
Nabaling naman ang usapan sa personal na buhay ng aktor, partikular na sa pagsasama nila ng kanyang ex-wife na si Sunshine Cruz. Ayon sa batikang action star, humingi na siya ng kapatawaran sa lahat ng mali na nagawa niya sa kanyang dating partner.
"Hindi natin masasabi kung pinatawad na niya ako, only the person. Kung siya ang nakakaramdam kung natanggap na niya, kung nakapagpatawad siya, walang makakapagsabi no'n kundi siya."
Maaalalang napawalang bisa ang kasal ng dalawa noong taong 2013. Matapos ang kanilang hiwalayan, nanatili kay Sunshine ang kanilang tatlong anak.
Sa tingin niyo ba'y may pag-asa pang maibalik sa dati ang pagsasama ni Sunshine Cruz at Cesar Montano? I-share ang inyon opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights.
Cesar Montano, Inaming Humingi na Siya ng Kapatawaran sa Ex-Wife na si Sunshine
Reviewed by Publisher
on
December 19, 2019
Rating:

Post a Comment