Third Party ba ang Dahilan? Matapos ang 8 Years, Joem Bascon at Crisha Uy, Hiwalay na!
Mukhang magiging malamig ang pasko ngayon para sa Kapamilya star na si Joem Bascon. Sa isang report mula sa ABS-CBN, kinumpirma ng aktor na hiwalay na sila ng kanyang long-time vlogger girlfriend na si Crisha Uy. Tinapos ni Joem at Crisha ang kanilang relasyon matapos ang 8 na taong pagsasama.
Ayon kay Joem, personal na bagay ang nag-ugat sa paghihiwalay nila. Itinanggi niya rin ang usap-usapan na may third party na involved sa kanilang relasyon.
"Hanggang doon na lang siya. Kapag pinilit pa, on my side siguro mas magiging magulo. So I guess hanggang doon ko lang talaga kaya."
Ngunit kahit pa hiwalay na sila, iginiit naman ni Joem na umaasa pa rin siyang magiging magkaibigan sila ng kanyang ex. Hindi nga naman madaling basta-basta na lang itapon ang kanilang pinagsamahan sa loob ng walong taon.
"I'm hoping na maging friends kasi maayos naman 'yung pag-uusap. Pero wala naman kasing hiwalayan na hindi masakit. So masakit pa rin for both of us," ito ang pahayag ni Joem nang tanungin siya tungkol sa next move niya matapos ang hiwalayan.
Paano nga ba siya nakakacope-up matapos ang kanilang break up? Aminado ang aktor na hindi naging madali sa kanya ang hiwalayan nila ni Crisha. Gayunpaman, mas pinili niya na lang na magpaka-busy sa kanyang trabaho upang panandaliang madistract mula sa pinagdadaanan niya.
Matatandaang isa sa mga tinaguriang "couple goals" ang tambalan ni Joem at Crisha. Very expressive din ang dalawa sa social media tungkol sa kanilang pagmamahalan, kaya naman labis na nasaktan ang mga fans sa kanilang hiwalayan.
Sa kabila ng lahat, nag-offer naman ng suporta ang mga fans sa gitna ng pinagdadaanan ng aktor. Hanggang ngayon naman ay tikom pa rin si Crisha na magsalita tungkol sa kanilang hiwalayan.
Fan ka rin ba ng tambalan ni Crisha Uy at Joem Bascon? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Third Party ba ang Dahilan? Matapos ang 8 Years, Joem Bascon at Crisha Uy, Hiwalay na!
Reviewed by Publisher
on
December 20, 2019
Rating:

Post a Comment