Yaya na Tumangay sa Sanggol, Iginiit na Gusto Niya Lang ito Ipasyal


Para sa isang ina, wala na sigurong mas sasakit pa ang mawalay sa kanyang anak. Ito ang kinatatakuhan ng maraming nanay, kung kaya naman dapat ay laging alerto at maingat. Ngunit minsan, kahit gaano pa kaingat ay hindi talaga maiiwasan ang mga di magandang pangyayari. Ito ang bangungot na naranasan ni Princess Jean Perrin na mayroong anak na sanggol.

Naging usap-usapan sa social media ang ginawang pagtangap sa anak ni Perrin. Mismong ang yaya pa ng bata ang suspek na kinilalang si Kristine Joy Salik, na nakilala lamang nila sa Facebook. Ayon kay Perrin, mahigit isang linggo nang nagta-trabaho si Salik sa kanila nang maganap ang pagdukot sa anak niya.



Kitang-kita sa CCTV sa barangay ang ginawang pagtakas ni Salik. Itinaon niyang natutulog ang mga magulang sa taas ng bahay bago niya itinakas ang limang buwang gulang na si Taylor. Nang magising at nakitang wala na ang yaya at ang anak nila, saka na nagpanic si Perrin at ang kanyang asawa. Agad-agad silang dumulog sa barangay at nag-post sa social media.

Sa pag-asang mahahanap pa ang kanilang anak, dumulog rin si Perrin sa tanggapan ni Raffy Tulfo sa "Aksyon sa Tanghali." At ilang oras lamang matapos ang kanilang panawagan, agad-agad ring lumutang at nagpakita ang suspek kasama ang bata! Nagharap-harap si Perrin, si Salik, at ang ama ng bata sa programa ng "Wanted sa Radyo."




Sa interview, ayon kay Salik ay ipinasyal niya lamang ang bata sa mall at wala siyang balak itakas ito. Iginiit niya rin na may permiso siya mula sa lolo ng bata, bagay na itinanggi naman ng lolo. Habang nasa labas ay nakita na lamang daw ni Salik na nag-viral na siya sa social media dahil diumano'y dinukot niya ang sanggol.

"Noong gabi, uuwi sana kami sa Taguig, eh ang dami na pong nagcha-chat sa akin. Sorry po. Sorry po talaga," ito ang paulit-ulit na paliwanag ni Salik sa mga magulang ng bata. Ngunit kahit ano pang hingi niya ng tawad, desidido na si Perrin at ang kanyang kamag-anak na maghabal ng kaso laban sa yaya ng kanilang anak.



Ayon kay Perrin, na ngayo'y nakahinga na ng maluwag, balak niyang ituloy ang kaso dahil ayaw niyang maulit pa ito sa ibang tao. Nais niya ring turuan ng leksyon si Salik, dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin sila sigurado sa totoong motibo nito.

Panoorin ang nakakaiyak na muling pagkikita ni Baby Taylor at ng kanyang ina dito:



Sa tingin mo ba'y dapat lang na ikulong ang yaya na ito? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Yaya na Tumangay sa Sanggol, Iginiit na Gusto Niya Lang ito Ipasyal Yaya na Tumangay sa Sanggol, Iginiit na Gusto Niya Lang ito Ipasyal Reviewed by Publisher on November 14, 2019 Rating: 5