Girlfriend ni Cong TV, Pina-Tulfo! Ano Kaya ang Reklamo Laban sa Kanya?
Marami ang naaaliw ngayon sa panonood ng Youtube videos. May iba't-ibang paraan ang ating mga idolo para tayo ay malibang nasa loob o labas man ng ating tahanan. Panghakot sa mga fans ang pagpropromote ng kanilang favorite artist sa mga gamit at maging sa mga event. Ginagawa ito ng mga artista para tangkilikin pa ang kanilang mga sponsor o negosyo.
Kamakailan lang ng matapos ang vlogger-studded na 3-day bazaar na in-organize ng Worldtrex Organization. Ang bazaar ay partnership nang sikat na vlogger at negosyanteng si Viy Cortez at ang Worldtrex.
Makikita sa mga post online na dinagsa ng mga fans ang nasabing event na mahigit sa 32 na mga kilala vloggers ang nagtinda at umattend. Maraming tao ang nakisaya at talaga nga namang nagenjoy sa inihandang program at sa mga sari-saring booth.
Sa kabila ng success diumano ng bazaar ay may grupo ng mga bussiness owner ang humingi nang tulong sa programang "Wanted sa Radyo". Ang sikat na host ng programa na si Raffy Tulfo ay pinaunlakan na mapakinggan ang side ng mga negosyante na diumano ay nalugi pa dahil sa event.
Ang mga nagrereklamo na negosyante ay sina Grace Bersabe at ang kanyang mga kasamahan. Diumano ay di sila nakabenta nalugi pa dahil sa mga nasira ng ilang customer na pumapasok sa booth.
Nagkandalugi-lugi daw ang mga namuhunan dahil sa hindi makabenta dahil sa kakompitensya nilang mga blogger. Habang ongoing diumamo ang mga event ay nagpaparty-party naman ang mga customer sa loob ng kanilang pwesto dahilan nang pagkasira ng mga paninda. Binastos din daw sila diumano ng presidente ng Worldtrex sa isang meeting para maayos ang mga problema. Kulang din ang security sa nasabing lugar.
Bagamat humarap ang kampo ni Viy Cortez hindi pa din nareresolba ang isyu nang posibleng settlement na magaganap dahil sa pagkalugi ng mga negosyante . Humingi ng paumanhin ang kampo ni Viy at nangako nang sapat na suporta para sa mga nagtinda. Sa kasalukuyan ay patuloy pa din na hinihingian ng salaysay ang kampo ng Worldtrex na co-organizer ng nasabing event.
Maraming netizens ang nagreact tungkol sa nangyaring event. Sari-saring komento ang naani ng episode na mabilis na nagviral online. Panooring ang buong pangyayari dito:
Ano ang masasabi mo sa isyung ito? I-share ang inyong opinyon sa comments section below. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Girlfriend ni Cong TV, Pina-Tulfo! Ano Kaya ang Reklamo Laban sa Kanya?
Reviewed by Publisher
on
November 17, 2019
Rating:





Post a Comment