Dahil sa Tulong ni Tulfo, Illegal Recruiter ng OFW, Habang Buhay ang Sintensya!


Sa panahon ngayon ay buwis buhay na ang pangingibang-bansa. Mahirap mawalay sa mga pamilya at sa sariling bansa ngunit ito ang iniinda ng ating mga kababayan para makaluwang-luwang sa buhay. Unahan din sa paghahanap ng legal na trabaho sa ibang bansa dahil dito hindi maiwasan ng ibang pinoy na kumapit na lang sa patalim para makahanap ng employer.

Ang show na "Wanted sa Radyo" ang nagiging takbuhan ng mga bagong bayani nang ating panahon. Ang sikat na host na si Raffy Tulfo ang nagiging tagapagtanggol at tagapangalaga sa karapatan ng mga OFW. Makikita na malambot ang puso ni Idol Raffy sa mga taong tinitiis mangibang bansa para sa pamilya.



Iba't-ibang klase na nang panloloko ang dumaan sa palad ng show. Mula sa panloloko sa relasyon hanggang sa negosyo wala na ngang di pa nahawakan ang host.

Maalala na noong 2018 ay may lumapit na grupo ng mga tao na humihingi ng tulong dahil diumano ay niloko sila ng isang ilegal recruiter.

Ang mga naloko ng illegal recruiter ay mga nagaappply na maging masahista sa Kuwait. Maganda ang naging offer sa mga aplikante na hindi naman nagduda ngunit sa pagdating nila sa Kuwait tila ibang-iba ang trabaho na kanilang nakuha. Ginawang parausan daw ang mahigit sa 40 na tao na nagtrabaho sa isang massage parlor.

Agad na inaksyunan ni Idol Raffy ang kaso at humingi pa ng tulong kay Sen. Bong Go upang mabigyan ng katarungan ang panlolokong dinanas diumano ng mga manggagawa. Sinigurado ng "Wanted sa Radyo" na matutuloy ang demanda at madadampot ang nasabing illegal recruiter.



Nahuli at nakulong mandarambong na recruiter ngunit pagkatapos nito ay nakuha pa nitong magpiyansa upang makalaya. Bagamat nakalaya ang recruiter pansamantala ay sinugurado ni Raffy Tulfo na matutuloy ang kaso at sinuportahan pa ang mga naabuso.

Kamakailan lang ng ilabas na ang sintensya sa baklang recruiter na ito. Mabigat ang naging kaso sa recruiter ngunit dahil sa pagpupursigi ng mga ahensya ng gobyerno at ng "Wanted sa Radyo" ay naparusahan ng habang buhay na pagkakakulong ang illegal recruiter.


Natuwa naman ang mga naloko ng recruiter dahil wala na itong tyansa pang makapangloko sa kapwa. Mabilis kumalat ang balita na ito na ikinatuwa ng publiko. Kulang pa diumano ang dinadanas nito sa loob ng rehas kumpara sa naranasan ng kanyang niloko.

Malaki naman ang pasasalamat ng mga lumapit sa "Wanted sa Radyo" dahil sa agarang aksyon nito sa kaso. Nagpasalamat din sila kay Sen. Bong Go dahil sa ipinakita nitong kabutihang loob. Panoorin ang buong pangyayari dito:


Ano ang masasabi mo sa episode na ito ng "Wanted sa Radyo"? I-share ang inyong opinyon sa comments section below. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Dahil sa Tulong ni Tulfo, Illegal Recruiter ng OFW, Habang Buhay ang Sintensya! Dahil sa Tulong ni Tulfo, Illegal Recruiter ng OFW, Habang Buhay ang Sintensya! Reviewed by Publisher on November 14, 2019 Rating: 5