Vlogger, Ginamit ang Pondo sa Dream House Upang Mag-Donate sa mga Nasalanta ng Lindol
Halos isang buwan na rin ang nakalipas simula nang yanigin ng lindol ang kalakhang Mindanao. Magnitude 6.6 na lindol ang tumama sa iba't-ibang lugar tulad ng South Cotabato, General Santos, at Zamboanga noong October 29. Dahil sa di-inaaasahang kalamidad na ito, libu-libong mga tao rin ang nawalan ng tirahan, kabuhayan, at mga minamahal sa buhay.
Isa sa mga pinaka-apektado ay ang bayan ng Makilala sa South Cotabato. Dahil malapit sa epicenter ng lindol, malala rin ang hagupit ng lindol sa bayang ito. Kabilang na sa mga nasalanta ay ang mga residente ng Barangay Buena Vida. Bumuhos ang tulong, ngunit hindi lahat ng nasalanta ay naabutan ng donasyon.
Mabuti na lamang at may mga taong busilak ang puso na nagkukusang tumulong. Kahit hindi sila politiko o hindi man mayaman, gumawa pa rin sila ng paraan upang makatulong sa mga biktima ng lindol. Isa na sa kanila ay ang Facebook vlogger na ito, na hindi nag-atubiling tumulong sa mga nasalanta.
Si Alfred Ediong, na mas kilala sa kanyang sikat na Facebook page na "Pusang Gala," ay isa sa mga naunang nag-abot ng tulong sa Barangay Buena Vida.
Ayon sa sikat na vlogger, matapos malaman ang sinapit ng mga nalindulan ay agad-agad siyang umaksyon. Ngunit saan nga ba sila kumuha ng pondo para dito?
Sa isang video, ibinahagi ni Alfred na matagal na niyang balak magpagawa ng bahay nila. Ngunit matapos mabalita ang lindol, mas pinili niyang i-donate na lang ang kanyang naipon sa mga biktima. Sa kabuuan ay umabot ng mahigit Php200,000 ang nagamit ni Alfred upang mag-abot ng tulong sa mga nasalanta!
Mula Bohol ay agad-agad silang nagtungo sa South Cotabato upang mag-abot ng tulong. Kasama ang kanyang pamilya, nagtulong-tulong sila Alfred upang makabili ng mga groceries, bigas, tubig, at basic needs para sa mga nalindulan. Maraming tao rin an nagtulong-tulong upang maibalot ang mga relief goods.
Bukod sa grocery ay nag-abot rin sila ng cash na maaaring makatulong upang muling makabangon ang mga nasalanta. Dahil sa kanilang kawang-gawa, maraming netizens ang nagpaabot ng kanilang pasasalamat kay Alfred at sa kanyang pamilya. Panoorin ang buong video dito:
Naantig ka rin ba sa ginawang pagtulong ng vlogger na ito? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Vlogger, Ginamit ang Pondo sa Dream House Upang Mag-Donate sa mga Nasalanta ng Lindol
Reviewed by Publisher
on
November 19, 2019
Rating:




Post a Comment