Pagkakamalan Niyong Totoong Babae ito, Ngunit Likha Lang Pala Siya ng Isang Artist!
Kada tao ay may iba't-ibang pamantayan ng kagandahan. Mapababae man o lalaki, matanda o bata ay may samu't-sari ng deskripsyon ng kagandahan. Sa iilan naman ay hindi nagiging pamantayan ang panglabas na anyo ng isang tao. Ang pagkakakilala din natin sa tao ay nakakaapekto kung paano natin sila makikita. Nakakadagdag din ang pagiging misteryoso ng isang tao upang maging interesante sila.
Isa sa mga magandang halimbawa nito ay ang isang viral post na ibinahagi sa publiko. Ang larawan ay mabilis na kumalat sa internet. Ipinost ito sa Twitter at agad na umani ng iba't-ibang reaksyon.
Ang larawan ay nagpapakita ng kaakit-akit na babae. Prenteng nakaupo ang maladiyosang babae sa isang batis. Maraming tao ang nagtataka kung sino at saan matatagpuan ang babae.
Ikinalat ng netizens ang karawan upang makilala ang misteryosong babae sa larawan. Wala diumanong iniwang pagkakakilanlan ang babae maliban sa larawan. May mga taing nagtangka na kilalanin ang babae ngunit patuloy na naging misteryo ang pagkatao nito.
Ang post ay nakakuha ng 130,000 likes at mahigit 48,000, patuloy pa din itong ishinishare sa iba't-ibang platform.
Ang nagpost ng trending na larawan ay si Kei Meino. Sa bilis nang pagkalat ng larawan ay umamin din sa wakas ang mayari ng litrato. Isang japanese artist si Kei na sikat sa paggawa ng makatotohanang mga larawan. Habang nagpipinta ay naging photographer na din ang pintor kaya naman nagagamit niya ang kasanayan na ito sa pagpipinta ng makatotohanang larawan.
Ibinulgar ng mayakda na ang babae sa larawan ay walang pagkatao dahil ito ay isang painting! Ang publiko ay nagulat sa rebelasyon. Nang ikumpara ang larawan sa isang kinuha ng camera ay tila walang pagkakaiba ang dalawa.
Sari-saring komento na ang natanggap ni Kei Meino tungkol sa larawan. Maraming netizens ang pumuri sa galing ni Kei.
Ano ang iyong komento sa babae sa painting? I-share ang inyong opinyon sa comments section below. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Pagkakamalan Niyong Totoong Babae ito, Ngunit Likha Lang Pala Siya ng Isang Artist!
Reviewed by Publisher
on
November 19, 2019
Rating:






Post a Comment