Manlolokong Pinay, Lumuhod sa Harap ng Indiyano na Niloko Niya


Para sa isang lalaki, wala ng mas sasakit pa pag nalaman mong niloloko ka ng babaeng mahal mo. Marami na tayong nasubaybayan na ganitong kaso sa sikat na programa na "Wanted sa Radyo." Ngayon, isa namang lalaki ang muling lumapit kay idol Raffy upang humingi ng tulong tungkol sa ginagawang panloloko sa kanya ng kanyang kinakasama.

Isa sa mga nagtrending na sumbong kay Idol Raffy ay naganap noong November 6,2019. Isang Indiyano ang humingi ng tulong dahil diumano ay niloloko siya ng kinakasamang Pinay.  Nagpakilala ang complainant na si Roscoe D'Costa may isang anak na babae sa kanyang live-in partner. Tatlong taon na namamalagi ang Indiyano dito sa Pilipinas at dito na rin pinili bumuo ng pamilya.



Ang inirereklamo na asawa ni Roscoe ay si Jocelyn D'Costa. Isang maybahay na diumano ay may iba nang lalaking kinakalantari. Naglabas ng ebidensya si Roscoe na nahuli niya ang asawa sa mga litrato na katabi ang kalaguyo nito.

Itinanggi naman ito ng pinay at agad na sinabi ang dahilan kung bakit pinipilit nito makipaghiwalay sa indiyano. Diumano ay nanakit at walang pag-aalaga sa katawan ang indiyano.

Nagpakita ang indiyano ng pruweba na may iba ng lalaking ang asawa. Nilulustay diumano ni Jocelyn ang pinaghirapan ng Indiyano na itinatabi nila sa bangko. Inakusahan ni Jocelyn na walang proper hygiene ang asawa.



Matapos lumabas ang katotohanan nang magharap ang dalawa. Pinilit pagayusin ng "Wanted sa Radyo" ang magasawa ngunit desidido na si Roscoe panagutin ang asawa sa mga panlolokong ginawa.

Nagmakaawa naman si Jocelyn sa asawang indiano. Sinabi pa ni Jocelyn na di baleng di siya mahalin ng indiyano wag lang siyang ipakulong alang-alang sa anak.

Buo na ang loob na kasuhan ang asawa kaya naman hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Idol Raffy na tulungan ang indiyano ituloy ang kaso.


Panoorin ang buong pangyayari dito:


Ano ang masasabi mo sa desisyon ng Indiyano na ituloy ang kaso? I-share ang inyong opinyon sa comments section below. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Manlolokong Pinay, Lumuhod sa Harap ng Indiyano na Niloko Niya Manlolokong Pinay, Lumuhod sa Harap ng Indiyano na Niloko Niya Reviewed by Publisher on November 19, 2019 Rating: 5