Viral: Matandang Babae Nagwala sa Loob nang Bus, Ayaw Paawat!


Lahat ng Pilipino ay sanay na sa pagko-commute sa mga pampublikong sasakyan. Tayo ay natuto na magadjust hindi lang para makauwi para na rin makaiwas sa gulo. Makontrol man natin ang ating sarili ay di naman natin masabi kung ganito din ba ang pagiisip ng kapwa mananakay.

Sa araw-araw na kalbaryo nang pagsakay ay nahasa na tayo sa pakikipagkapwa tao sa daan. Isang video ang kumakalat ngayon sa internet kung saan galit na galit ang isang ginang at isang babae ang nagkaroon ng matinding sagutan sa loob ng bus.

Sa viral na video, maririnig ang pagmumura ng parehong babaeng pasahero ng bus. Inawat ng konduktor ang parehong babae ngunit ayaw pa din paawat nang nag-aaway na commuter.



Ang ugat nang pagaaway nang dalawa ay ang pagtakip diumano nang babaeng nakaupo sa kanyang ilong. Na-offend ang babaeng nakatayo at inakusahan nito ang babae na maarte at walang pakisama.

"Kung maarte ka mag taxi ka," sabi ng ale habang nanggigigil ito.

Makikita din sa video na umaaktong sasampalin ng babae ang nagvivideo. Lalong nagkainitan ang dalawa nang paghiwalayin sila nang konduktor. Patuloy pa din ang kanilang sigawan at pagmumurahan kahit sila ay magkalayo na.


Sa kabilang banda madaming netizens ang nagbigay nang kanilang opinyon tungkol sa nangyari. Hindi man alam ang pagkakakilanlan ng dalawang babae sa video ay patuloy pa rin itong umaani nang sari-saring komento at reaksyon mula sa madla.

May mga kumampi sa dalaga at nagsabing masyadong maarte ang matanda at tama lang ang dinanas nito. Kinampihan din nang mga tao ang matanda, dahil napahiya daw ito at di tama ang pagtrato rito ng dalaga.

Narito ang ilang comments ng mga netizens:



Ang kuha na ito ay pinaplano ngayong ipasa sa sikat na programang "Wanted sa Radyo" . Ang host nito na si Raffy Tulfo ay sikat dahil sa mga payo at resolusyon na binibigay nito sa mga manonood. Paniguradong may panibago na naman tayong aabangan sa mga susunod na araw.

Ano ang masasabi mo sa ginawa nang dalawang babae? I-share ang inyong opinyon sa comments section below. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Viral: Matandang Babae Nagwala sa Loob nang Bus, Ayaw Paawat! Viral: Matandang Babae Nagwala sa Loob nang Bus, Ayaw Paawat! Reviewed by Publisher on November 12, 2019 Rating: 5