Pauleen Luna, Aminadong Nangungulila Dahil Hindi na Sila Madalas Magkita ni Vic Sotto


Dahil parehas silang public figure, hindi maiwasan na laging busy ang schedule ng mag-asawang Pauleen Luna at Vic Sotto. Dahil sa kani-kanilang mga trabaho, aminado si Pauleen na madalas rin niyang hindi nakakasama ang kanyang mister, lalo na ngayon at naghahanda na si Vic para sa nalalapit na Metro Manila Film Festival.

Sa Instagram, ibinahagi ni Pauleen na hindi na sila madalas nakakapag-bonding ng kanyang asawa. Busy na diumano si Vic para sa shooting ng kanilang entry sa Metro Manila Film Festival. Dahil dito, hindi mapigilang ma-miss ni Pauleen ang kanyang mister.



"Missing my dear husband who’s still out working since this morning. These past weeks, his schedule’s been crazy because he’s filming for his movie," ito ang napaka-sweet na mensahe ni Pauleen para sa kanyang asawa na ibinahagi niya sa Instagram kamakailan lamang.

Ngunit sa kabila ng kanilang busy schedule, suportado pa rin ni Pauleen ang kanyang asawa. Kahit hindi sila madalas nagkikita, ani Pauleen ay naa-appreciate niya ang mga ginagawa nito para sa kanilang pamilya, at para na rin sa upcoming movie ni Vic.



"And though i terribly miss him, his absence makes me appreciate all the hardwork he’s doing for his film and for us. He never complains even though i know how tired he is. Maybe because he’s doing it with love and passion."

Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang na-touch sa mensaheng ito ni Pauleen. Maging ang anak ni Vic Sotto kay Dina Bonevie na si Danica ay napa-comment sa Instagram post ni Pauleen. May ibang netizens rin naman ang nag-offer ng kanilang advice para sa nangungulilang misis.


Excied ka na rin bang mapanood ang upcoming movie ni Bossing? I-share ang inyong opinyon sa comments section! Para sa iba pang updates sa iyong favorite celebrities, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Pauleen Luna, Aminadong Nangungulila Dahil Hindi na Sila Madalas Magkita ni Vic Sotto Pauleen Luna, Aminadong Nangungulila Dahil Hindi na Sila Madalas Magkita ni Vic Sotto Reviewed by Publisher on November 12, 2019 Rating: 5