Silipin ang Nakakalulang Presyo ng mga Branded Collection ni Jinkee Pacquiao


Kamakailan lamang ay naglabas ang senado ng listahan ng mga pinakamayayamang senador sa buong Pilipinas. Pumangalawa sa listahan ay si Senator Manny 'Pacman' Pacquiao, na may tinatayang yaman na umaabot na ng P3 billion. Ang estadong tinatamasa niya ngayon ay nakamit ng ating 'Pambansang Kamao' sa tulong ng kanyang sigasig at pagsisikap.

Pamilya ang nagsilbing inspirasyon ni Manny upang pag-igihin ang kanyang career sa boxing. Ngayon, dahil sa kanyang pagsisikap, tinatamasa na rin ng pamilya niya ang kanyang tagumpay. Ang maybahay ni Manny na si Jinkee Pacquiao, na siya ring sumuporta kay Manny sa umpisa, ay buhay reyna na ngayon!



Talaga namang maituturing na nakahiga na sa salapi si Jinkee Pacquaio ngayon. Dahil dito, bukod sa pagtulong sa kapwa ay mas napagtutuunan na ni Jinkee ng pansin ang kanyang mga pansariling interes.

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na mahilig si Jinkee sa fashion at style. Dahil dito, afford rin ni Jinkee ang mga mamahaling gamit. At siguradong malulula kayo sa presyo ng mga gamit niya! Ang pinakamahal na bag ni Jinkee ay ang kanyang Hermes Himalaya Birkin, na umabot ng halos P15 milyon.


 Ayon kay Jinkee, madalas ay hindi alam ni Manny ang presyo ng mga bags niya at nagugulat na lang ito matapos malaman. Mahilig rin siya sa mga branded na damit at sapatos, tulad na lang ng Versace, Chanel, Balenciaga, Louis Vuitton, at marami pang iba.

Kahit make-up at pabango ni Jinkee, malulula kayo sa presyo! Mayroon siyang koleksyon ng mga mamahaling pabango tulad ng Jo Malone, Marc Jacobs, Bvlgari, Tory Burch, Tom Ford, Christian Louboutin, at Calvin Klein.



Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon, nais mo rin bang makita sa personal ang koleksyon ni Jinkee? I-share ang inyong opinyon sa comments section! Para sa iba pang latest updates, wag kalimutang i-follow ang Daily Insights sa Facebook.
Silipin ang Nakakalulang Presyo ng mga Branded Collection ni Jinkee Pacquiao Silipin ang Nakakalulang Presyo ng mga Branded Collection ni Jinkee Pacquiao Reviewed by Publisher on November 29, 2019 Rating: 5