Nakalibre sa 15 na Airlines ang Lalaking ito Matapos Magpanggap Bilang Piloto


Sabi nga nila, don't judge a book by its cover. Mahirap husgahan ang isang tao base lamang sa kanyang panlabas na kaanyuan, lalo na sa panahon natin ngayon. Maraming tao ang mapagpanggap para lamang sa kanilang pansariling interes. Isa na sa mga nagbabalatkayong tao ay ang lalaking ito, na maraming tao ang naloko.

Isang businessman sa India ang naging laman ng balita matapos mabunyag ang kanyang kakaibang modus operandi. Nahuli sa akto si Rajan Mahbubani na nagpapanggap bilang isang piloto para makalibre sa mga airlines! Mukhang talagang pinag-isipan niya ang kanyang modus, dahil kumpleto pa si Rajan ng pilot's cap, uniform, at ID!



Ayon sa report ng Telegraph, umabot na sa mahigit na 15 flights ang nasakyan ni Rajan habang suot-suot ang kanyang disguise. Ginawa niya umano ito upang makalibre at makakuha ng seat upgrade. Ayon pa kay Rajan, natulungan rin siya ng kanyang pilot's disguise upang maging priority sa mga mahabang pila sa airport.

Kung ang ibang tao ay pilit na itinatago ang kanilang modus operandi, proud na proud pa si Rajan sa kanyang ginagawa. Sa katunayan, ayon sa mga sources ay ibinabahagi pa nito sa social media ang kanyang mga ginagawa. Ngunit sabi nga nila, walang lihim ang hindi nabubunyag. Matapos siyang i-background check ng isang airline, nalaman nila ang panloloko niya.



Nagpanggap na piloto ng Lufthansa si Rajan upang makalibre sa AirAsia. Ngunit nang i-check ng mga staff ang kanyang credentials, saka nila nadiskubre na nagpapanggap lamang ito. Agad-agad silang tumawag ng mga otoridad upang i-report ang ginagawang panloloko ni Rajan. Doon din nila nadiskubre na marami pala itong modus operandi.

Bukod sa pagpapanggap bilang piloto, mayroon ding uniporme ng army colonel is Rajan. Kalaboso siya ng mga pulis, at hindi na rin niya naitanggi ang kanyang krimen. Ayon kay Rajan, nakabili siya ng fake identity at uniform sa Bangkok. Hanggang ngayon naman ay under investigation pa rin ang pangyayaring ito.


Sa tingin niyo ba'y dapat bigyan ng matinding parusa ang ginawang pagpapanggap na ito ni Rajan? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Nakalibre sa 15 na Airlines ang Lalaking ito Matapos Magpanggap Bilang Piloto Nakalibre sa 15 na Airlines ang Lalaking ito Matapos Magpanggap Bilang Piloto Reviewed by Publisher on November 29, 2019 Rating: 5