Senior Citizen na Taxi Driver, Sinipa at Dinuro ng Motoristang Nakabanggaan Niya
Sa kalagayan ng traffic sa Pinas, talaga nga namang iinit ang ulo ng mga motorista sa daan. Ngunit kapag hinayaan, maaaring magdulot lamang ito ng road rage, na pwedeng humantong sa pananakit. Kamakailan lamang ay nag-viral ang video na ito kung saan makikita ang isang taxi driver na sinasaktan ng isang motorista.
Sa isang video na ibinahagi ng Alisto, makikita ang komprontasyon ng isang matandang taxi driver at motorista. Mula sa mga kuha ng concerned citizen, makikitang nagkabanggaan ang dalawa sa daan. Ito marahil ang nag-udyok sa driver ng kotse na magwala at saktan ang matandang taxi driver.
Hindi lang panduduro at insulto ang inabot ng kaawa-awang taxi driver. Bukod sa mga birada ng motorista, hindi pa siya nakuntento at nagawa pa niyang saktan ang driver! Huling-huli sa kamera ang aktong pagsipa ng nanggigil na driver ng kotse. Hindi naman nagawang gumanti ng taxi driver.
Ngunit hindi pa diyan nagtatapos ang pagtatalo. Ilang beses pang binalik-balikan ng driver ng kotse ang taxi driver. Dinuyo niya pa ito sa harap ng maraming tao. Kahit na nagdudulot na ng abala sa trapiko, hindi pa rin nagpatinag ang maangas na driver ng kotse.
Sa kabilang banda, maraming netizens ang naghayag ng kanilang saloobin tungkol sa video na ito. Matapos mapanood ang ginawa ng motorista sa taxi driver, marami ang naniniwala na dapat ay maparusahan ang driver ng kotse.
Sa ngayon ay umabot na ng mahigit 59,000 ang nag-share ng viral video na ito. Marami rin ang nanawagan sa mga otoridad na imbestigahan ang nangyari, dahil sa kaawa-awang sinapit ng taxi driver. "Grabe naman po ang sakit sa dibdib hindi manlang naisip ang matanda na sinaktan parin."
Panoorin ang video dito at silipin ang iba pang mga comments ng mga netizens:
Sang-ayon ka rin ba na dapat patawan ng parusa ang motoristang ito? I-share ang inyong opinyon sa comments section! Para sa iba pang latest updates, wag kalimutang i-follow ang Daily Insights sa Facebook.
Senior Citizen na Taxi Driver, Sinipa at Dinuro ng Motoristang Nakabanggaan Niya
Reviewed by Publisher
on
November 20, 2019
Rating:

Post a Comment