"Ilog na Walang Ilalim" Sikat na Pasyalan ng Turista sa Surigao Del Sur!
Ang Pilipinas ay mayaman sa mga magagandang tanawin. Mula Batanes hanggang Jolo ay may kanya-kanyang maipagmamayabang ang mga lugar. Nagtataasang bundok at naglalalimang dagat ang makikita sa ating mga probinsya. Sari-sari ang pwedeng gawin, kaya naman nawiwili ang mga turista sa pagpunta sa pilipinas. Nagiging maganda din ang ekonomiya ng Pilipinas sa kita na inaambag ng mga dayuhan na pumupunta taon-taon para makita ang ating likas na yaman.
Ang mga lugar na dinarayo, bagamat unti-unti nang nagiging matao, ay may mailan-ilan pa ring liblib at tago. Hindi tuloy maiwasan na gaano may kaganda ang isang lugar ay mabalutan ito ng misteryo at kababalaghan.
Pinagmamalaki ng probinsiya ng Surigao Del Sur ang magaganda nitong mga falls at ang dinarayong ilog. Ang Hinatuan River ay dinadayo ng mga diver dahil sa linaw at sa ganda ng lugar na ito. Mangilan-ngilan lang ang pinapayagan ng mga lokal awtoridad na pumunta dito hindi lang dahil sa ipinipreserba ang ganda ng ilog ngunit pinoprtektahan din nila ang lihim nito.
Marami ang nagiging interesado sa "Enchanted River" dahil wala pang diver ang nakakapunta sa pinakailalim nito. Sobrang linaw at napakalinis ng tubig dito bagamat malapit sa bundok nagtataka pa din ang mga residente kung saan nang gagaling ang tubig nito.
Isa sa mga istrikto at ginagalang na gawain ay tuwing alas dose ng gabi lahat ng tao na nasa ilog ay kailangan umalis sa ilog upang magbigay daan sa "feeding time". Sa oras na ito ay sabay-sabay na kumakanta ang mga residente ng "Himno ng Hinatuan". Namamangha ang mga tao dahil habang kinakanta ito ay magsisilabasan ang maraming isda upang mapakain ng caretaker. Matapos mapakain ay unti-unti na ding umaalis ang mga isda.
Sa kabilang banda maraming turista at lokal pa din ang nais makabisita at makaligo sa mahiwagang ilog. Maraming netizens ang umaapela sa biglaang pagsara ng atraksyon na ito. Naglabas naman ng pahayag ang gobyerno na nais lang nila protektahan ang likas na yaman ng probinsiya. Naintindihan naman ito ng mga tao af hinihintay na magbukas muli ang ilog.
"Ilog na Walang Ilalim" Sikat na Pasyalan ng Turista sa Surigao Del Sur!
Reviewed by Publisher
on
November 21, 2019
Rating:






Post a Comment